Aabot sa Php
8,998,000.00 halaga ng
interbensyon at pagsasanay ang ipapamahagi
ng Department of Agriculture IV-CALABARZON
(DA-4A) sa mga magniniyog sa lalawigan ng
Quezon sa unang taon ng
pagpapatupad ng Coconut
Farmers and Industry Development Plan (CFIDP).
Ang CFIDP ay
alinsunod sa Republic
Act 11524 o mas kilala sa
tawag na Coconut Farmers and Industry Fund Act.
Parte nito ang Community-based Farm Enterprise
Development: Farm Rehabilitation and Improvement na nakaatas sa High
Value Crops Development
Program (HVCDP) ng DA4A.
Sa pamamagitan nito ay hinihikayat
ang mga magniniyog na
mag-intercrop ng kape o
cacao sa kanilang niyugan. Ang intercropping ay
isang paraan o teknik kung
saan nagtatanim ng isa o
higit pang uri ng pananim
upang makapag-impok
ng mas maraming ani at
mapalaki ang kita sa isang
kapirasong lupain.
augnay nito,
namahagi ng interbensyon ang DA-4A sa pakikipagtulungan sa Philippine
Coconut Authority Region
IV-A (PCA-4A) sa dalawang samahan ng mga
magsasaka sa bayan ng
Gumaca, Quezon noong
Abril 25, 2023. Sila ay ang
Kakao Integrated Development Livelihood and
Transformation (KIDLAT)
at ang Samahan sa Industriya ng Pangkabuhayan
(SICAP).
N a k a t a n g g a p
ang naturang mga samahan ng mga pruning
shears, pruning saw, mga
controlled fertilizer, at mga
polyetos ukol sa pag-aalaga at pagtatanim ng kape
at cacao.
Ayon kay G.
Christopher Canela, isang
magniniyog, malaking
tulong ito upang madagdagan ang kanyang pagkakakitaan at mas magagamit ang bakanteng
lupa sa ilalim ng kanilang
niyugan. #### (Bryan E.
Katigbak, DA-4A RAFIS)
PR
