Pagpruning o pagbabawas ng
mga sanga ng mangga
Tamang paggamit ng pestisidyo
Tamang pamamahala sa insekto (Mango Cecid Fly)
Pagpapasuri ng lupa upang malaman
ang rekumendadong dami ng pataba
na ilalagay
Wastong pagdidilig sa puno ng mangga.
Wastong pag-aalaga ng
batang dahon, bulaklak at bunga
Kaugnay nito, aabot na sa 200 na
magmamangga ang nabigyan ng
Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) High Value Crops
Development Program (HVCDP) ng
pagsasanay ukol sa Mango Rehabilitation, Soil Nutrient Management and
Soil Sampling; and Mango
Cecid Fly Management.
Layon ng pagsasanay
na ito na makapaggbigay
ng sapat na kaalaman at
kasanayan sa mga magmamangga tungkol sa
rehabilitasyon ng mga
lumang puno ng mangga
at pamamahala sa mango cecid fly tungo sa mas
pinalakas na industriya ng
mangga sa rehiyon.
Ayon kay Bb.
Marie Ana Daplas,
isang magmamangga
sa Amadeo, sobra ang
kanyang pasasalamat sa
DA-4A dahil sa kanilang
inisyatibo na tulungan
ang mga magmamangga
sa pagsasagawa ng mga
pagsasanay tungkol sa rehabilitasyon ng mangga.
Para sa mga interesado sa pagsasanay
o gabay ukol sa rehabilitasyon ng puno ng mangga,
maaaring makipag-ugnayan sa kinauukulang
municipal o city agriculturist office sa inyong lugar.
PR
