Kinilala ni
Senador Alan Peter Cayetano nitong linggo ang
mga community at youth
volunteer sa pamamagitan ng pagkakaloob sa
kanila ng tulong mula sa
kanyang Sampung Libong Pag-Asa program na
ipinalabas noong June 14,
2023..
Tampok sa espesyal na episode ang 50
beneficiaries, kung saan
14 ay mga fire brigade volunteer, 13 ay mga security
guard, at dalawa ay mga
youth volunteer na patuloy
na naglilingkod sa kanilang mga pamayanan kahit
walang regular na suweldo.
“Whether or not
may income, ‘pag may
sunog o may kailangan
bantayan, y’ung youth
ministries natin, y’ung
community volunteers,
nandoon sila,” pahayag ni
Cayetano.
Ang napiling mga
beneficiary ay tumanggap
ng tig-P10,000 na cash
aid, na ayon sa senador
ay hindi lamang “pantawid” kundi “pang-ahon.”
Isa sa mga nakinabang ay ang 40-anyos
na security guard na si
Jerry Castillo, na nagpasalamat sa programa para
sa cash assistance na
naging instrumento para
sa kanyang “kalayaan”
mula sa problemang
pinansyal.
Si Ruben Obidos,
isang fourth year college
student na boluntaryong
nagtuturo ng Bibliya sa
mga batang lansangan, ay
nagbahagi rin ng kanyang
“kwento ng kalayaan.”
“Y’ung maging
blessing po tayo sa iba,
y’un po ang para sa akin
ay kalayaan ko,” aniya.
Nagpasalamat
siya kay Cayetano para
sa natanggap na tulong,
na para sa kanya ay isang
“malaking biyaya.”
“Malaking tulong
po iyon lalo na sa aming
mga youth volunteers na
magagamit namin para sa
mga [tinuturuan] po naming mga kabataan,” ani
Obidos.
Hinikayat naman
ng asawa ni Cayetano na
si City of Taguig Mayor
Lani ang mga beneficiary
na gamitin sa tama ang
pera at palaguin ito.
“Napakahalaga
na makikita ng may mga
magagandang loob na
kung sino ang binigyan ay
pinagyayaman,” aniya.
“Nagtitiwala po
kami sa inyo so we challenge you, pagtiwalaan po
ninyo ang mga sarili ninyo.
Magtatagumpay kayo sa
awa at biyaya ng Panginoon,” dagdag niya.
Sinimulan ni
Senador Alan ang SLP
program noong 2021 kasabay ng 10K Ayuda Bill
na inihain niya sa House
of Representatives na
may layuning mabigyan
ang bawat pamilyang Pilipino ng P10,000 na cash
aid habang bumabangon mula sa epekto sa
ekonomiya ng COVID-19
pandemic.
Nabigo ang 18th
Congress na isama ang
panukala sa Bayanihan
3 COVID-19 package.
Ngunit nang makabalik
siya sa Senado noong
19th Congress noong
2022, inihain ni Cayetano
ang panukalang Sampung
Libong Pag-asa Law na
naglalayong magbigay ng
katulad na benepisyo. PR
