Patuloy ang paghimok ng Department
of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) sa mga
magsasaka na maging
Philippine Good Agricultural Practices (PhilGAP)
certified ang kanilang
sakahan. Kaugnay nito,
nagsagawa ang DA-4A ng
PhilGAP information caravan noong ika-4 ng Hulyo,
2023 sa Lipa City, Batangas.
Layunin nito na
maipabatid sa mga magsasaka at mga samahan
ang kahalagahan ng food
safety habang tumutugon
sa pangangailangan ng
merkado at mga konsyumer sa dekalidad at ligtas na
pagkain sa pamamagitan
ng pagkuha ng sertipikasyon mula sa mga kinatawan PhilGAP.
Ang naturang
sertipikasyon ang magpapatunay na ang isang
sakahan ay sumunod sa
mga alituntunin patungkol
sa kalidad ng produkto,
food safety, pangangalaga sa kapaligiran ,at kalusugan o kapakanan ng
mga mangagawa.
Ayon kay Regional Executive Director
Milo delos Reyes, ang
agrikultura ang pag-asa
ng paglago ng ekonomiya, sa pamamagitan ng
pagkuha ng sertipikasyon
at pagsunod sa alituntunin ng PhilGAP, mas tataas
ang ani kasabay ang presyo nito at makakasigurado na ligtas ang pagkain
ating kakainin.
Samantala, nagkaroon pakikipag-ugnayan
ang mga dumalong samahan ng mga magsasaka sa
posibleng pagbebentahan
ng kanilang GAP-Certified
products tulad ng Mama
Sitas, 7-Eleven, Dizon
Farms at ang Longwoods
Agri Farms. Ito ay sa pangunguna ng Agribusiness
and Marketing Assistance
Division. PR
