
Isinusulong ng
Department of Agriculture
IV-CALABARZON (DA4A) at Regional Agriculture and Fishery Council
(RAFC) ang mobilisasyon
ng State Universities and
Colleges (SUCs) sa pagpapaunlad ng agrikultura.
Ito ay sa pamamagitan ng layuning makapagsagawa ng career
orientation sa mga edukasyonal na institusyon
sa rehiyon bilang inisyatibo sa mga mag-aaral na
mamulat sa industriya ng
agrikultura. Dito ay ilang
teknikal na kawani at eksperto ang inaanyayahan
upang makapagbigay ng
kaalaman ukol sa AFC at
sa ibaโt ibang programa ng
DA-4A.
Kalakip nito,
tampok ang paglahok ng
mga mag-aaral na magtatapos sa mga kursong
may kaugnayan sa agrikultura sa unang career
orientation na isinagawa
sa Southern Luzon State
University (SLSU) noong
ika-3 ng Hulyo sa Lucban,
Quezon.
Ayon sa isang
propesor at namamahala
ng Career and Job Placement Services sa SLSU
na si Prof. Gino Cabrera,
napakahalagang nabigyan
ng pagkakataon ang mga
mag-aaral na maipahayag
ang kani-kanilang mga katanungan para sa mga inaasahan nilang harapin pa
sa mundo ng agrikultura
lalo pa at nalalapit na ang
kanilang pagtatapos.
Samantala, ang
mga nakibahagi sa naturang aktibidad ay sina
RTD for Research and
Regulations at RAFC Executive Officer Fidel Libao, Quezon Agricultural
Research and Experiment
Station (QARES) Chief
Wilmer Faylon, Agricultural Center Chief II at Farm
and Fisheries Clustering
and Consolidation (F2C2)
Focal Person Jhoanna
Santiago, QARES Senior
Science Specialist Dennis
Bihis, Philippine Council
for Agriculture and Fisheries (PCAF) Partnership
Development Division
Chief Melinda Quinones,
at United Batangas Swine
Raisers Association (UNIBAT) Vice President for
Marketing Daniel Keh.