Inilatag ng 49
miyembro ng Regional
Agricultural and Fishery
Council (RAFC) IV-A ang
dalawang resolusyong
magtatatag at magpapalawig ng implementasyon ng National Urban
and Peri-urban Ariculture
Program (NUPAP), sa
naganap na AFC Benchmarking and Consultative
Workshop Cum Expository Tour on UPA sites in
CALABARZON, noong
Agosto 29-30, 2023, sa
Mabitac, Laguna.
Ang RAFC ay
ang binubuo ng mga kinatawan ng pribadong
sektor ng agrikultura at
isa sa mga katuwang ng
Department of Agriculture
IV-CALABARZON (DA4A) sa pagpapaunlad ng
industriya ng pagsasaka
sa rehiyon.
Bilang pagkilala
ng lupon sa papel ng programa bilang isa sa mga
susi ng pagkamit ng food
security, inirerekomenda
ng pamunuan sa pangunguna ni RAFC Chairperson Flordeliza Maleon,
ang pagsasagawa ng
malawakang oryentasyon
para sa Farmersโ Cooperatives, and Associations at
ang ang pagtatag ng community gardens sa rehiyon.
Ito ay matapos
na maibahagi sa RAFC
ang estado at implementasyon ng NUPAP sa rehiyon; at ang sistema at benepisyo ng pagsasagawa
ng Community and Urban
Gardening na ipiresenta
ni DA-4A Field Operations
Division Chief at High Value Crops Development
Program Coordinator
Engr. Redelliza Gruezo at
Bb. Niรฑa Rosales mula sa
Bureau of Plant Industry
Los Baรฑos National Crop
Research, Development,
and Production Support
Center.
Bumisita din ang
RAFC-4A sa Adoress
Farm kung saan direkta
nilang nasaksikhan ang
mga pamamaraan at pamamahala sa pagsasagawa
ng UPA.
Inaasahan na
patuloy na makikipagpulong ang pamunuan ng
RAFC sa lokal at panlalawigang pamahalaan
ng rehiyon upang maisakatuparan ang layunin
ng NUPAP.
