Tatlong daang barangay volunteer at ambulant vendor sa lalawigan ng Cavite ang nakatanggap
ng tulong mula kay Senator Alan Peter Cayetano
at Department of Social Welfare and Development
(DSWD) nitong Huwebes.
Namahagi ng tulong ang Bayanihan Caravan team ng senador sa mga barangay volunteer ng
Cavite City at Dasmariñas City sa ilalim ng programang
Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) ng
DSWD.
Dumalo sa pamamahagi ng tulong sa Cavite City sina
Vice Mayor Raleigh Rusit at Councilor Angel Sarmiento.
“Maraming maraming salamat po sa tulong
niyo sa Cavite City,” mensahe ni Rusit kay Cayetano.
Sa Dasmariñas City naman, isinagawa ang pamamahagi ng tulong sa mga ambulant vendor kasama
si Barangay Santo Cristo Kagawad Allan Estrada sa
Bacoor City.
Kabilang sa mga benepisyaryo ay ang 44-anyos na si Mely Gonowon, na nagpahayag ng pasasalamat sa senador na aniya’y “madaling lapitan.”
“Y’ung nakuha ko pong pera ay gagamitin ko
pong pampuhunan sa aking maliit na tindahan,” pahayag niya.
Nakikipagtulungan si Cayetano sa iba’t ibang
ahensya ng gobyerno at lokal na pamahalaan sa
pamamagitan ng kanyang Bayanihan Caravan, bilang
tuwang sa kanyang mga panukalang batas na nakatuon sa pag-a
