Tampok ang industriya ng pagkakakaw
sa ginanap na CALABARZON CACAOCONGRESS
ng Department of Agriculture IV-CALABARZON
(DA-4A) sa pangunguna
ni Regional Executive Director Milo delos Reyes sa
Cultural Center ng Laguna
sa bayan ng Sta. Cruz.
Ito ang kauna-unahang cacao congress na
idinaos sa rehiyon bilang
pagtitipon samga magkakakaw upang ipakita ang
kanilang mga produkto,
talakayin ang kasalukuyang kalagayan ng industriya, at maibahagi ang mga
makabagong teknolohiya
sa produksyon hanggang
sa pagdala sa merkado.
Nagpasalamat si
Direktor delos Reyes sa
mga dumalo at ipinarating
ang patuloy na suporta ng
ahensya katuwang ang
mga lokal na pamahalaan
sa palaging pagantabay at
pagbibigay ng suporta sa
kanila.
Masaya namang
ibinahagi ni Nancy Casco,
pangulo ng Rizal Cacao
Growers Industry Development Council at Cacao
Growers Association of
Tanay ang kanyang pagkasabik sa naganap na
congress. Aniya, napakaganda ng ganitong pagtitipon para mas matulungan
pa ang mga nagtatanim ng
kakaw katulad nila. Ibinida
ang mga produkto mula
sa mga Cacao Farmers
Association ng mga bayan
sa limang lalawigan ng rehiyon.
Dinaluhan ang
aktibidad ng mga kawani
ng DA-4A High Value
Crops Development Program, Agribusiness and
Marketing Assistance Division at Agricultural Programs Coordinating Office
ng Laguna at mga representante mula sa iba pang
opisina ng ahensya. Sinuportahan din ng mga katuwang na ahensya mula sa
DA-BPI, DA-ATI 4A, CDA,
PCA, DOST-PCAARRD,
at DTI ang naturang congress.
Inaasahan na sa
pamamagitan nito ay patuloy na mapapalakas at mapapaangat pa ang industriya ng pagkakakaw sa CALABARZON.
