Aabot sa 49,087
magsasaka ang napagbuklod ng Department of
Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) sa ilalim
ng programang Farm and
Fisheries Clustering and
Consolidation (F2C2)
simula noong taong 2021
hanggang 2023.
Layon ng F2C2
na isulong ang paggugrupo sa maliliit na mga
magsasaka at mangingisda upang mapaunlad ang
kanilang kabuhayan sa
oras na sila ay matuto sa
pagnenegosyo at makamit
ang economies of scale o
pagpapababa ng gastusin
sa produksyon. Alinsunod
ito sa Administrative Order
no. 27 series of 2020.
Habang ang unang pokus ng F2C2 ay
matipon ang mga magsasaka sa mga cluster
na may magkakatulad na
produkto at sistema ng
produksyon, ito rin ang
nagsisilbing estratehiya ng
Kagawaran upang marami pang magsasaka ang
makinabang sa mga ipapamahaging interbensyon
sa mga susunod na taon.
Ito ay sa pamamagitan ng Cluster Development Plan (CDP) na
siyang unang requirement
sa bawat cluster at magiging batayan sa pagbibigay
ng suporta. Naglalaman
ito ng pagkakakilanlan at
kasalukuyang kalagayan
ng cluster, at ang limang
taong plano ng pag- unlad
na sasagot sa kanilang
mga pangangailangan
sa produksyon, merkado,
kasanayan, at iba pa.
Kaugnay nito,
kasunod ng 73 CDP na
natapos noong nakaraang
taon ay karagdagang 54
CDP na ngayong 2023
ang kasalukuyang isinusulong at nasa proseso
na ng deliberasyon sa
harap ng Regional Program Management Office
(RPMO) at Province-led
Agriculture and Fisheries
Extension System o F2C2
Regional Technical Working Group (PAFES/F2C2
RTWG). Ito ay pang suriin
ang mga detalye nito para
sa pagsasapinal lalo na sa
teknikal at pinansyal na
aspeto.
Ayon kay Rolando Seralvo, pangulo
ng cluster ng Samahang
Magsasaka sa Barangay
Encarnacion, nariyan man
ang kaba sa pagdepensa
ng kanilang CDP ay alam
niyang ang lahat ng hirap
na itinanim ng kanilang samahan kasama ang lokal
na pamahalaan ay aanihin
din nila sa mga matatanggap na interbensyon na
nakapaloob sa plano.
49-Kโฆ
Para sa huling
antas, inaasahan na kapag naaprubahan na ang
mga CDP ay ipepresenta
na ito sa mga stakeholder,
pamunuan ng Kagawaran,
at lokal na pamahalaan
kalakip ng paglalagda ng
Memorandum of Agreement (MOA).
