
Dobleng ipon at
mas mataas na halaga
ng loan entitlement ang
tatanggapin ng mga miyembro ng Pag-IBIG Fund
(HDMF) sa pagtataas ng
buwanang kontribusyon ng mga miyembro at
ng mga employer simula
ngayong Pebrero 2024.
Ayon sa PAGIBIG, ang buwanang hulog
ng miyembro at employer
ay tataas sa P200 bawat
isa mula sa dating P100,
na ayon sa ahensya ay
may katumbas na apat na
dekadang tagal na mandatory contribution.
Tataas rin ang
maximum monthly compensation na ginagamit sa
pagtutuos ng kinakailangang 2% na hulog ng empleyado at employer para
sa mga miyembro mula sa
kasalukuyang P5,000 na
tataas sa P10,000.
Dahil sa paglaki
ng ipon sa ahensya, lalaki rin ang taunang dibidendo na matatanggap
sa oras ng maturity ng
membership o magretiro
na ang miyembro. Sa tala
ng PAG-IBIG, maaaring
umabot sa P174,000 ang
matatanggap ng miyembrong maghuhulog sa loob
ng 20 taon sa ilalim ng bagong monthly rates, kumpara sa P87,000 ngayon.
Dagdag ng PAG-IBIG,
mas mataas rin ang pwedeng matanggap ng mga
miyembrong maga-apply
para sa Multi-Purpose at
Calamity Loan sa oras na
kailanganin ito ng miyembro.
Tiniyak ni PAGIBIG Chief Executive
Marilene Acosta na mas
paghuhusayan pa ng
kanilang ahensya ang
pagseserbisyo sa mga miyembro upang makatanggap ng mas mara