
Iminungkahi ni Senador Alan Peter Cayetano nitong
Martes ang balanseng pamamaraan ukol sa territorial
claims ng Pilipinas, at sinabing habang kailangan ng
bansa na protektahan ang ating mga pagmamay-ari,
dapat ding isaalang-alang ang tamang ugnayan sa mga
kalapit na bansa.
“We have to find a way of protecting what is
ours, but also balancing the proper relations with our
neighbors,” sabi ni Cayetano sa kanyang interpelasyon
patungkol sa Senate Bill No. 2492 o An Act Declaring the
Maritime Zones Under the
Jurisdiction of the Republic of the Philippines, na
sinuportahan ni Senador
Francis Tolentino.
“Examine, re-examine…ano ang mas pabor sa atin. When I say
kung ano ang mas pabor
sa atin, kasama doon ang
getting the consensus sa
international community
because pwede natin ipasa atin lahat y’un but it will
spell out war to our neighbors,” dagdag pa niya.
Sinabi ni Cayetano na isinulong ng National Mapping and Resource
Information Authority
(NAMRIA) sa administrasyong Duterte na baguhin
ang mapa ng Pilipinas
batay sa United Nations
Convention on the Law
of the Sea (UNCLOS), na
kung saan isa ang Pilipinas sa mga lumagda.
Binanggit niya na
nagpasya noon si Duterte
na ‘pabayaan ang mga
mapa’ upang makabuti ito
sa hinaharap dahil hindi
matatali ang ating mga
kamay at malilimitahan sa
kung ano ang atin.
Kwinestyon din
niya ang magiging epekto
ng panukalang batas sa
pagpapalakas ng kakayahan ng bansa sa pagkuha
kung alin ang atin, gayundin ang epekto sa Treaty
of Paris at UNCLOS.
“I’m quite cautious in anything we pass
whether or not it will actually strengthen our claims
because we really need to
look at every single view,
front view, back view,
bird’s eye view of this,”
wika niya.
Bilang tugon, sinabi ni Cayetano na dapat
panatilihin ng mga mambabatas ang matibay na
mga patakaran na may
kinalaman sa pandayuhang usapin dahil binabalanse nito ang interes ng
bansa, gayundin pinapanatili ang mabuting relasyon sa ibang bansa.
“ P a r e – p a r e h o
tayong naninidigan to
strengthen our claim. US
is an ally. But iba ang interes nila sa interes natin,”
aniya, habang ipinaliwanag na ang problema sa
mga internasyonal na batas ay nakadepende ito sa
interpretasyon.
“Anything that
strengthens our position
is most welcome, because
mabigat itong kailangan
nating harapin,” sabi niya.
PR