Kaisa ang 200 mag-aaral mula sa ikatlo at ikaapat na baitang ng Capipisa Elementary School sa isang information caravan na inihanda ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) Regional Agriculture and Fisheries Information Section (RAFIS) para sa selebrasyon ng National Rice Awareness Month (NRAM) noong ika-28 ng Nobyembre sa Tanza, Cavite.
Hatid nito ang paalala ng kampanya na โBe Riceponsibleโ kung saan inilahad sa mga kabataan ang kahalagahan ng hindi pagsasayang ng kanin, pagkain ng iba pang alternatibo, at pagtangkilik sa mga aning Pilipino. Naging bahagi ang mga ito ng laro na inorganisa para sa mga bata gaya ng Palay Relay, ABaKaDa Q and A, at I Love Rice.
Dito ay sabay-sabay na nanumpa ng pledge of commitment ang mga mag-aaral sa pagsasabuhay ng ABaKaDa na, โAdlay, mais, saba atbp. ay ihahalo ko sa kanin; Brown rice ay aking kakainin; Kanin ay hindi ko sasayangin; at Dapat bigas ng Pilipino ang aking bilhinโ.
Tampok pa sa aktibidad ang demonstrasyon ng pagluluto ng bahaw o tirang kanin sa tulong ng fried rice seasoning paste ng Banahaw Creations at pagluluto ng cassava chips sa tulong ng Lipa Agricultural Research and Experiment Station (LARES).
Ayon kay OIC-RTD for Operations and Extension Engr. Redelliza Gruezo, nakatutulong ang caravan upang maipahatid ang mensahe ng Kagawaran at tungkulin ng bawat isa sa pagsuporta sa mga magsasakang Pilipino at kanilang mga produkto.
