
inipon ng Department of Agriculture
IV-CALABARZON (DA4A) Adaptation and Mitigation Initiative in Agriculture (AMIA) Program
ang mga katuwang mula
sa Provincial and Local
Government Units, ibang
ahensya, at mga kawani
ng DA-4A sa isinagawang
Wet Season 2023 Climate
Outlook Forum.
Ito ay upang
ibahagi ang ulat panahon
para sa darating na tagulan at maipaalam ang
positibo at negatibong
epekto nito sa produksyon
ng palay, mais, high value
crops, at paghahayupan
sa reihyon CALABARZON.
Ayon sa DA-4A
AMIA Program, makakaranas ang rehiyon ng
below normal to near normal na lebel ng pag-ulan
ngayong buwan ng Abril
at near normal hanggang
sa above normal naman
ngayong darating na Mayo
hanggang Setyembre.
Sa kabuuan,
ang katamtamang dami
ng ulan ay makakatulong
upang mapamulaklak ang
palay at mais; maparami
ang damo sa pastulan;
at hudyat na rin upang
masimulan ang pag-aaaro, pagdudurog ng lupa,
at pagtatanim ng palay,
mais, at high value crops.
Maganda ring tiyempo ito
upang pataasin ang porsyento ng mga napipisa at
nabubuhay na mga sisiw.
Ilan naman sa
bantang dala ng darating
na panahon ay ang pagkakaroon ng sakit, peste kagaya ng kuhol, at
pagiging bansot ng mga
pananim na palay at mais.
Para naman sa paghahayupan, malaking banta
ang presensya ng maliliit
na snails sapagka’t kung
makakasama ito sa mga
batang damo na makakain ng mga hayop ay makapagdudulot ng kabag sa
mga ito.
Bukod pa rito,
ibinahagi ng DA-4A AMIA
Program na malaki rin ang
magiging epekto nang inaasahang pito hanggang
labingisang bagyong
dadaan sa pagitan ng buwan ng Hunyo hanggang
Setyembre.
Patuloy na hinihikayat ng programa ang
mga katuwang na PLGUs
at mga opisina ng City o
MAO na sumubaybay sa
lagay ng panahon at klima at palawigin pa ang
mga impormasyon mula
sa Department of Science
Technology- Philippine Atmospheric, Geophysical
and Astronomical Services Administration, upang magabayan ang mga
magsasaka sa kanilang
produksyon. P