
Tinatayang 600 straw ng semilya na nagtataglay ng mataas na uri ng lahi ng hayop ang naipamahagi
na ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA4A) Livestock Program sa unang kwarter ng taong 2023.
Ang pamamahagi ng naturang semilya ay bahagi ng mga pamamaraan ng Kagawaran upang mapalaganap ang magandang lahi ng mga hayop gaya ng
baka, kalabaw, baboy, at kambing na matibay laban sa
sakit o abnormalidad at may kakayanang magprodyus
ng mas maraming gatas at dekalidad na karne.
Ito ay sa pamamagitan ng patuloy na implementasyon ng Unified Artificial Insemination Program
(UNAIP) na naglalayong magkaroon ng produksyon at
distribusyon ng mga straw ng semilya sa mga Regional
Field Offices (RFOs), Local Government Units (LGUs),
at mga AI Technician sa komunidad.
Sa tulong ng mga teknikal na kawani ay inaasahan dito ang pag-alalay sa mga magsasaka na tumaas
ang uri ng lahi ng kanilang
mga alagang hayop, dahilan upang hindi na mangailangan pang mababahan
ang mga hawak nilang inahin.
Bahagi rin ng
programa ang pagmomonitor sa malawakang
pagsasagawa ng mga serbisyo para sa AI at pagsusumite ng report patungkol
sa estado ng mga hayop
na nasumpit, bilang ng
mga anak nito, at iba pa.
Ayon kay DA-4A
Livestock Program Coordinator Jerome Cuasay,
target ng programa na
makapagbigay ng kabuuang 12,300 straw ng
semilya sa taong 2023
kaya naman mas tataas
pa ang bilang ng distribusyon nito sa mga susunod pang kwarter.
Samantala, patuloy ang panghihikayat ng
Kagawaran na tangkilikin
ang mga makabagong
pamamaraan sa pagsasaka gaya ng AI sa tulong ng
mga pagsasanay para sa
mga magsasaka at mga
teknikal na kawani ng lokal
na pamahalaan. PR