Hinamon ni Senador Alan
Peter Cayetano nitong Lunes ang
mga kapwa opisyal ng gobyerno sa
Lungsod ng Taguig na tutukan ang
pagtupad sa
kanilang mga responsibilidad sa halip na bigyang-diin ang
pagkakaroon ng kapangyarihan.Sa
isang Facebook livestream noong
Abril 24, 2023 pagkatapos ng pagdiriwang ng ika-436 na anibersaryo ng
pagkakatatag ng Taguig, hinimok ni
Cayetano ang mga opisyal na palaging ibigay ang kanilang “best” dahil
ginagawa rin nila ito para sa Panginoon.“‘Pag kasi sinasabi ng politiko,
‘Panahon ko ngayon,’ para bang ang
ine-emphasize ay y’ung power. Pero
ang kailangan nating i-emphasize ay
y’ung responsibility,” aniya.Binanggit
ng senador ang ilan sa mga dapat asikasuhin ng mga opisyal para sa kapakanan ng kanilang mamamayan
paganda ba y’ung mga scholarship
ng ating mga kabataan? Do the
senior citizens feel that they’re productive at lahat ng pangangailangan
nila [ay napupunan]? Ang PWDs ba
natin, mas naging accessible [para sa
kanila] ang ating parks at facilities?”
pahayag niya.
“Do the Taguigeños feel na
kapag nagkasakit sila may matatakbuhan sila? Is our preventive care
even better?” dagdag niya.Hiniling
din ng senador sa mga Pilipino na
ipanalangin ang mga taga-Taguig
habang patuloy nilang pinagsusumikapang pairalin ang kulturang nais ng
Panginoon at hindi ang
kulturang gusto nila.
“That’s why po ang ginagamit natin sa Taguig ay ‘I Love Taguig.’ If we love our neighbor, if we love
God, if you love your city, dapat mahalin ka rin pabalik ng inyong siyudad,” pahayag niya.
Nagpasalamat si Cayetano sa Diyos sa kanilang “Probinsyudad” bago magpasalamat sa kanyang
asawang si Taguig Mayor Lani Cayetano, na siyang namuno sa selebrasyon na ginanap kasabay ng flag ceremony ng pamahalaang lungsod katuwang ang iba pang
mga opisyales.
“Nagpapasalamat tayo sa Diyos sa ating Probinsyudad, y’un pong magandang ugali ng probinsyano,
y’un pong pagiging isang pamilya ng magkakapitbahay,
pero y’ung modern amenities po ng isang siyudad,” wika
ng senador
