Sumabak sa Capacity Building and Action
Planning Workshop ang
22 Young Farmers Challenge (YFC) Awardees sa
Argosino Hall, Lipa Agriculture Research and Experiment Station, Batangas.
Ito ay upang
masiguro ang tuluy-tuloy na implementasyon
ng mga proyekto ng mga
awardees at magabayan ang mga kabataan
sa tamang pamamalakad at pagpapalawig ng
kani-kanilang negosyo.
Ang YFC ay programa ng Kagawaran ng
Pagsasaka na nagbibigay
oportunidad sa mga kabataang Pilipino na bumuo
ng Business Model Canvas (BMC) at magpatakbo ng pang-agrikulturang
negosyo sa pamamagitan
nang pagbibigay ng financial grant assistance.
Matatandaang
noong taong 2021-2022,
nakapasa ang 110 BMCs
ng 187 kabataan ng rehiyon bilang provincial
awardees, tatlo ang
naideklara bilang regional
awardees, at isa naman
ang napabilang sa national awardees ng bansa.
Tinalakay sa aktibidad ang kahalagahan
ng Barangay Micro Business Enterprise (BMBE)
Registration/Certification,
Consumer Rights, at Recordkeeping na ibinahagi
nina Department of Trade
and Industry (DTI)-Batangas TI Development Specialist/BMBE Account Officer Gng. Malin Valencia
at Senior TID Specialist
Milgaros Mercado; Bureau
of Internal Revenue (BIR)
Regional/ District Office
(RDO) 59 Registration Officer Bb. Chryzelle Patron
at Assessment Officer Bb.
Katrina Faye Javier; at
Kids Agriventures Corp.
President Gng. Virginia
Terrobias, ayon sa pagkakabanggit.
Ibinahagi rin ang
ilan sa pamamaraan ng
paggamit ng Social Media
Marketing.
Nagkaroon din
ng pagkakataon ang mga
kalahok na ibahagi ang
estado at pamamaraan
sa pagpapatakbo ng
kani-kanilang negosyo at
pati na rin ang rekomendasyon patungkol sa pagpapaunlad ng programang
YFC.
Patuloy namang
hinihikayat ng tanggapan ang lahat ng mga
kabataan na lumahok
sa programa. Sa kasalukuyan ay bukas na muli
ang aplikasyon ng YFC
program para sa taong
- Mangyari lamang
na makipag-ugnayan sa
DA-4A Agribusiness and
Marketing Assistance Division hanggang sa ika-30
ng Hunyo. PR
