
Hinikayat ni Department of the Interior
and Local Government
(DILG) Secretary Benjamin ‘Benhur’ Abalos, Jr.
ang mga local government
unit (LGUs) na suportahan
ang Konsultasyong Sulit at
Tama (Konsulta) Program
na naglalayong pataasin
ang kalidad at maghatid
ng health services at preventive health care sa mas
nakararaming Pilipino.
“Ang serbisyong
pangkalusugan ay isa
sa top priorities ng ating
pamahalaan and we look
at our LGUs to ensure that
health services are well
implemented in the grassroots. Malayo na ang ating
narating at nalagpasan.
Now, the benchmark objective is to ensure that
these services and facilities are made affordable
and accessible for everyone at malaking tulong dito
ang Konsulta Program,”
pahayag ng Kalihim.
Ang Konsulta
Program ay isang primary
care benefit package na
nagkakaloob ng konsultasyon, health screening
at assessment, laboratory
tests, gayundin ang gamot
at medikasyon na pinangungunahan ng Office of
the President sa pamamagitan ni First Lady Marie
Louise “Liza” A. Marcos.
Ayon kay Abalos,
maaaring maging authorized na provider ng Konsulta Program ang mga
health units at pasilidad na
pinatatakbo ng LGUs kaya
ito ay isang magandang
pagkakataon na maiparating ang serbisyo ng nasabing programa sa kanilang mga nasasaskupan.
“We hope that the LGUs
will take advantage of the
health services provisions
of the Konsulta Program
for their kababayans.”
Sa pamamagitan ng DILG Memorandum Circular 2023-049 na
inilabas ng Kagawaran,
hinimok ni Abalos ang mga
LGU na palawigin ang sakop ng programa sa pamamagitan ng pag-aalok
ng Konsulta packages sa
kanilang mga nasasakupan na miyembro na ng
PhilHealth.
Dagdag ni Abalos, “Kumpleto na po ang
mga packages na ito, at
ang kagandahan dito ay
ang focus sa early detection ng mga sakit. Each
package covers routine
consultations, health risks
screenings, laboratory
tests and assessments,
and access to common
maintenance drugs and
medicines.”
Inaatasan din
niya ang mga local health
experts at practitioners na
siyasatin ang mga local
health facilities na kasalukuyang ginagamit upang
makita at malaman kung
pasado ba ang mga ito sa
mga pamantayan ng PhilHealth at ng Department
of Health (DOH).
Maaari din, ani
Abalos, na magsagawa
ng Information, Education,
and Communication (IEC)
campaigns ang pamahalaang lokal na naglalayong
ipaalam sa publiko ang
mga benepisyo na kanilang matatanggap mula sa
programang ito ng pambansang gobyerno.
Kinilala din ni
Abalos ang pamumuno
ng Office of the President
(OP) at ng First Lady at
ang kanilang patuloy na
suporta sa paggabay sa
programa at implementasyon nito.
“Ang Konsulta
program ay patunay lamang na ang kapakanan
at kagalingan ng mga
mamamayang Pilipino,
lalo na ng mahihirap, ay
laging nasa puso at isipin
ng ating Pangulo pati na