

Nagpaabot ng tulong si Senador Alan Peter
Cayetano sa isang libong
benepisyaryo sa Cavite nitong Martes, October 17,
bilang bahagi ng kanyang
patuloy na pagsisikap
na matulungan ang mas
maraming Pilipinong nangangailangan.
Nagbigay ng
suporta sa mga may-ari
ng maliliit na negosyo sa
Lungsod ng Imus ang
opisina ni Cayetano, katuwang ang Department of
Social Welfare and Development (DSWD) sa pamamagitan ng Assistance to
Individuals in Crisis (AICS)
program, upang tulungan silang mapalago ang
kanilang mga kabuhayan.
Dumalo sa aktibidad sina Imus City Mayor
Alex Lacson Advincula
at Cavite Rep. AJ Advincula, na tumulong din sa
pag-oorganisa nito.
Kasabay ang
pasasalamat, ibinahagi ni
Advincula ang pag-uusap
nila ng senador patungkol
sa pag-abot ng tulong
sa kanilang siyudad.
“Noon pong
sabi niya sa akin na,
‘Baka kailangan tulun
gan ang mga [small] business owners and sari-sari
stores [diyan sa Imus]’,
sabi ko agad, ‘Oo’,” kwento ng mayor.
Isa sa mga benepisyaryo ay si Melanie
Salvador, isang overseas
Filipino worker (OFW) na
napilitang umuwi ng bansa dahil sa pandemya at
kinailangang magsimula
muli sa buhay.
“Malaking tulong
po ito pandagdag-puhunan para sa akin,” aniya.
“Bukod po sa nagtitinda
ako ng mga ulam, gusto
ko pong magdagdag ng
mga prutas.”
Isa pang benepisyaryo ay si Regievie
Quilaquil, na nagsabing
ang kanyang hindi planadong pagbubuntis ay
nagpahirap sa sitwasyon
ng kanilang pamilya.
Nagpahayag siya
ng pasasalamat sa tulong
na kanyang natang
na gagamitin aniyang
pandagdag puhunan sa
kanyang pagbebenta ng
ukay-ukay na damit online.
“Sobrang laking
tulong po ng proyektong
ito dahil ang dami pong
natutulungan na pamilya
na kapos,” aniya.
Naghandog din
ang tanggapan ni Cayetano ng tulong para sa mga
may Caviteñong may pangangailangang medikal
tulad ng gamot, bayarin sa
ospital, at check-up.
Ang aktibidad ay
bahagi ng patuloy na dedikasyon ni Cayetano na tulungan ang mga Pilipinong
nangangailangan sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa mga ahensya
ng gobyerno at mga local
government unit.PR
