Nangako si Senador Alan Peter Cayetano nitong Sabado na tututukan niya ang mga suliranin ng
transport groups na nahihirapan sa pag-modernize dahil
sa laki ng gastos at sa kahirapan ng pagkuha ng utang.
“First and foremost, hundred percent I hear
you… So count on me to be one of those na magbabantay at titingin [sa issue na ito],” sagot ni Cayetano sa
tanong ng isang transport group adviser sa isang press
conference sa Baguio City nitong November 25, 2023.
Ayon kay Joseph
Cabanas ng Gabriela Silang Operators and Drivers
Association, hindi naman
tutol sa modernization
ang mga transport group
kundi humihingi lang ng
tulong sa gobyerno para
makapangutang.
“Gusto namin
[ng modernization]. Mangungutang kami pero
may counterpart sana ang
gobyerno.” wika ni Cabanas.
Sinabi ni Cayetano na nauunawaan niya
ang mga transport group
dahil isa sila sa mga lubhang naapektuhan ng
COVID-19 pandemic dahil
karamihan ng mga tao ay
hindi pinalalabas ng mga
tahanan.
At ngayong tapos
na ang medical emergency, patuloy na naghihirap
ang maraming tao. “Just
because the pandemic is
over and big businesses
have recovered doesn’t
mean lahat ng Pilipino
nakarecover na,” wika ni
Cayetano.
“The reality is
y’ung may mga parlor na
maliit, carinderia, y’ung
mga nag-invest ng 1-2
million (pesos) sa small
buisiness — kung naubos
‘yan n’ung pandemic, hindi nila basta basta maproproduce ngayon ulit yan,”
dagdag niya
Ayon kay Cayetano, hindi naisa-alang-alang ng nakaraang
administrasyon ang pagkaka-iba-iba ng mga lugar sa bansa kaya’t ang
inilatag nitong transport
modernization program ay
tila “one-size-fits-all.”
“Kung sa gamot
walang cure-all, sa programa ng gobyerno lalo
in a country with more
than 7,000 islands, wala
namang one-size-fits-all,”
aniya
“Kasi hindi
pare-pareho. May mga lugar na mas malalaki ang
highway so mas maraming jeep than tricycle. Dito
sa Baguio maraming taxi,
then the buses papunta
ng [malalayong lugar tulad
ng] Dagupan, Nueva Ecija, Manila,” dagdag niya.
’Win-win’
formula ang PTK
Sinabi ni Cayetano na ang isa sa mga
programang inumpisahan
niya — ang PTK (Presyo,
Trabaho, Kita/Kaayusan)
— ay napatunayan nang
mabisa sa pagsagot sa
mga pangangailangan ng
mga sectoral groups na
nahihirapang kumuha ng
pautang.
Ikinuwento niya
ang karanasan ng isang
PTK group sa Iloilo na nakatanggap ng P250,000
sa kanyang programa at
napalago ito hanggang
sa nakabili ng 90 buses
gamit ang isang P100-million loan. Ngayon aniya,
kumukuha ito ng isa pang
P100-million loan para sa
karagdagang electric buses.
“What do they
have na wala sa iba? A
win-win formula. Wala
namang problema kung
magkautang basta sure
kang mababayaran mo at
sure kang makakautang at
sure kang kikita,” aniya.
Sabi ni Cayetano, ito ang “hugot” ng isa
pa niyang programa na
nagbibigay ng P10,000 sa
mga nangangailangan.
“It was not standalone. Ang kasama ng
programa na y’un is how
to provide finan
