
Sa pagbubukas
nitong Sabado ng Taguig Sports League ngayong taon, pinangakuan
ni Senador Alan Peter
Cayetano ang kabataang
Taguigeño na hindi pababayaan ng Taguig ang
kanilang mga pangangailangan para sa isang mahaba at malusog na buhay.
“I want your
sports fest to begin there.
I want you to understand
that you are important to
God, to us, and to Taguig,”
mensahe ni Cayetano sa
kabataan ng Lungsod sa
opening program ng liga
nitong April 29, 2023.
Ang liga ay inorganisa ng Pamahalaang
Lungsod ng Taguig sa pangunguna ni Mayor Lani Cayetano at ng Sangguniang Kabataan (SK) ng
Lungsod.
Sa talumpati niya
sa harap ng humigit-kumulang 10,000 na Taguigeño, tiniyak ng senador
sa mga kabataan ng
lungsod na hindi sila “saling-pusa” sa mga layunin
ng Lungsod.
“Bakit natin
ginagawa ang sports fest?
Kasi gusto sana namin
y’ung generation niyo, abutin niyo ang 500th year
celebration ng Taguig.
Sixty-four years from now,
wala na kami, nandyan pa
kayo,” wika niya.
“Sa Taguig po,
lahat ay kinikilala at binibigyan ng halaga,” dagdag
niya.
Kasama rin sa opening program sina
Shaun Ildefonso ng Rain
or Shine, Asi Taulava ng
NLEX Warriors, Jeron
Teng ng Converge Fiberxers, Poy Erram ng TNT
Tropang Giga, Rachel
Austero ng PLDT Hitters,
Kathleen Faith Arado ng
PLDT Spiker, Rhea Katrina Dimaculangan ng
PLDT Spiker, at Jolly Co
mula sa Jiu Jitsu PH National Team.
Hinimok ni Cayetano ang mga kabataang
Taguigeño na iwasan ang
mga bisyo at mga masasamang impluwensya.
Sa halip, kailangan aniyang magkaroon
sila ng “right attitude” at
matutong ilaan sa tama
ang kanilang oras upang
maabot nila ang kanilang
buong potensyal.
Hinimok din ng
senador ang mga kabataang Taguigeño na sulitin ang mga pasilidad sa
Lungsod, lalo na ang mga
sports amenities na ang
naging inspirasyon aniya
ay sila mismo.
“Kung mapaganda man natin itong Lakeshore at iba pang parte
ng Taguig katulad noong
gumanda ang BGC, Arca
South, o McKinley, pero
kung napunta naman tayo
sa ilegal na droga, sa pagsusugal, [wala ring silbi],”
ani Cayetano sa kabataan.
“Kayo ang inspirasyon namin ni Lani. Lahat ng itinatayo naming ito
sa Taguig, hindi para sa
amin ito – para sa inyo,” dagdag niya. PR