
Opisyal nang
inihayag ng Commission
on Human Rights (CHR)
ang kanilang pagtutol sa
decriminalization ng abortion isang araw matapos
batikusin ni Senator Alan
Peter Cayetano ang komisyon dahil sa hindi malinaw na pahayag nito sa
isyu.
“CHR considers
paramount the right to life.
The Commission similarly
adheres to the 1987 Philippine Constitution specifically, to equally protect
the life of the mother and
the life of the unborn from
conception, and is therefore, against abortion,
save for extreme circumstances,” saad ng komisyon sa ipinadalang sulat kay Senate President
Juan Miguel Zubiri noong
Miyerkules, November 15,
2023.
Naantala ang
diskusyon sa inihain na
budget ng CHR para sa
2024 noong Martes matapos magpahayag ng pagkadismaya si Cayetano sa
naunang pahayag ni CHR
Executive Director Atty.
Jacqueline Ann de Guia
na sumusuporta sa decriminalization ng abortion
sa bansa.
Binigyang-diin
ng independent senator
na malinaw na ipinahayag
ng 1987 Philippine Constitution na ang estado ay
may tungkuling protektahan ang buhay ng ina at ng
hindi pa isinilang na anak.
Sa madaling salita, hindi
dapat maglabas ng pahayag ang CHR na salungat
dito.
“Our constitution
is quite unique kasi sinabi
na ‘life starts at conception’… Meaning [to say],
the executive director of a
very sensitive commission
is giving her own opinion
which is contrary to the
Philippine Constitution.
How come there is no outrage from the commission
that there is such a statement?,” sabi ni Cayetano.
Binigyan niya ng
pagkakataon ang CHR
na linawin ang kanilang
posisyon sa isyu sa Senado, ngunit ang komisyon
ay hindi nakapagbigay ng
malinaw na pahayag.
“‘Pag dine-criminalize mo, [para mong
sinabi na] pwede na ‘yun.
How can you protect the
unborn if you’re not going
to put any penalty to people who abort the fetus
or baby? Jaywalking nga
lang mayroon tayong penalty, eh,” dagdag niya.
Sa pagsang-ayon sa opinyon ng
independent senator nina
Senate President Zubiri,
Senate Majority Leader
Joel Villanueva, at Senator Jinggoy Estrada, na
budget sponsor ng CHR
sa Senado, naantala ang
deliberasyon sa budget ng
CHR hanggang maglabas
ito ng opisyal na pahayag
ukol sa abortion na akma
sa Saligang Batas.
Sa sulat ng CHR
kay Zubiri na naglalaman
ng kanilang pagsalungat
sa abortion, tatalakayin
nang muli ng upper chamber ang 2024 budget ng
komisyon sa Lunes. PR