Namahagi ang
Department of Agriculture IV-CALABARZON
(DA-4A) ng kabuuang
halagang P4,920,000 sa
mga maliliit na magpapalay sa pamamagitan ng
Rice Competitiveness Enhancement Fund – Rice
Farmers Financial Assistance (RCEF-RFFA)
noong ika-22 hanggang
ika-23 ng Hunyo sa Catanauan at Unisan, Quezon.
Aabot sa 984 na
mga magsasaka na rehistrado sa Registry System
for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) at nagtatanim sa mga palayan
na hindi lalagpas sa dalawang ektarya ang tumanggap ng P5,000 bawat isa.
Ang RCEF-RFFA ay base sa Republic
Act (RA) 11203 o mas
kilala bilang โRice Tariffication Law,โ kung saan
ang tulong-pinansyal ay
nagmumula sa mga taripa
na nakokolekta mula sa
pag-aangkat ng bigas.
Nanguna sa
pamamahagi sina DA-4A
Regional Executive Director Milo delos Reyes, Kinatawan ng Ikatlong Distrito
ng Quezon Cong. Reynan Arrogancia, Punongbayan ng Catanauan na
si Mayor Ramon Orfanel,
Punong-bayan ng Unisan
na si Mayor Ferdinand
Adulta, kinatawan ni Governor Helen Tan: Board
Member JJ Aquivido, at
iba pang mga opisyal ng
lokal na pamahalaan at
DA-4A.
S a m a n t a l a ,
nagpahayag ng pasasalamat si Danilo Aguilar,
isang magpapalay mula sa
San Narciso, Quezon, dahil makatutulong sa kanya
ang tulong-pinansyal sa
pagbili ng krudo para sa
water pump na ginagamit
sa kanyang mga palayan
