
Pinaalalahanan
ng Department of the Interior and Local Government
(DILG) ang mga local government units (LGUs) at
DILG Regional Offices sa
buong bansa na pinapayagan na ang in-person o
pisikal na pagdaraos ng
National Simultaneous
Earthquake Drill (NSED)
matapos ang tatlong taong suspensyon buhat ng
COVID-19 pandemic.
Sa isang Advisory, binigyang-diin ng DILG
na muli nang pinapayagan
ang pisikal na pagsasagawa ng NSED, alinsunod
sa kautusan ng National
Disaster Risk Reduction
and Management Council
(NDRRMC).
“Pursuant to
NDRRMC Memorandum
No. 006 s. 2023, dated February 01, 2023,
the conduct of in-person
NSED is already allowed,
provided ‘that the minimum health protocols,
such as, but not limited
to, handwashing and social distancing are strictly
implemented as much as
practicable, to ensure effective, efficient and safe
implementation of the
NSED,” ani DILG Undersecretary for Local Government Marlo L. Iringan
sa naturang advisory.
Sa nasabing Advisory, inatasan ang mga LGUs at
DILG Regional Offices na
magtalaga ng kani-kanilang Safety and Health Officers na sisiguro sa pagpapatupad ng minimum
health protocols laban sa
COVID-19 habang isinasagawa ang simultaneous
earthquake drill.
“The active participation of all disaster risk reduction and
management councils
(LDRRMCs), including the
barangay DRRM committees, is strongly encouraged,” dagdag ni Iringan.
Inoorganisa ng
NDRRMC ang quarterly
NSED na naglalayong itaas ang kamalayan at kahandaan ng publiko sakaling magkaroon ng lindol.
Isinagawa ang
1st Quarter NSED noong
Marso 09, 2023; habang
nakatakda naman ang
2nd Quarter NSED sa
Hunyo 08; 3rd Quarter
NSED sa Setyembre 07;
at 4th Quarter NSED sa
Nobyembre 09.
Bilang Vice-Chair
ng Disaster Preparedness
ng NDRRMC, ang DILG ay
inaasahang palakasin ang
kapasidad ng mga LGU at
gabayan sila sa pagbuo
ng disaster preparedness
and resiliency measures
sa kanilang mga lokalidad.
Ayon kay DILG
Secretary Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., magandang pagkakataon ang
NSED upang subukan
ang kahusayan at pagiging kapaki-pakinabang ng
mga disaster response
measures ng mga LGU.
“Because of our
location, our country is
among the most vulnerable to natural disasters
like earthquakes. This is
why our LGUs should prioritize programs aimed
at strengthening their disaster risk reduction and
management,” ani Abalos.
“Kaya naman
umaasa ang aming Kagawaran na aktibong makikilahok ang mga lokal na
pamahalaan sa pagdaraos ng quarterly NSED
upang magkaroon ng culture of disaster resilience
ang mga komunidad,”
dagdag ng Kalihim. DILG.
GOV