“Entrepreneurial
mindset,” isinusulong ng
Department of Agriculture
IV-CALABARZON (DA4A) para sa mga magsasaka tungo sa mas malaking kita at malawak na
oportunidad.
Ayon kay G. Alfrio Cortez, kawani ng
DA-4A Farm and Fisheries
Clustering and Consolidation (F2C2) Program,
hindi lamang dapat sa produksyon umiikot ang gawain ng isang magsasaka, kinakailangan din nito
na buksan ang kanyang
kaisipan sa mga bagong
opurtunidad upang mas
mapataas ang kita at
mabawasan ang mga nasasayang na ani mula sa
labis na produksyon.
“Ang pagtatak ng
kaisipang entreprenuryal sa mga magsasaka ay
magtutulak sa kanila upang makapag-isip, makapagplano at makapagsimula ng bagong negosyo
base sa kanilang mga ani
o mga aktibidad sa bukid.
Halimbawa ay ang pagpoproseso ng ani para
sa panibagong produkto,
pagpapalawak ng mga
koneksyon para bagsakan
ng produkto, at pagpapa
tayo ng mga cold storages
para mas mapatagal ang
buhay ng mga ani,” dagdag pa niya.
Kaugnay nito,
nagsasagawa ang DA-4A,
sa ilalim ng F2C2 Program
ng mga pagsasanay ukol
sa Business Planning and
Enterprise Development,
Leadership and Organizational Management Skills
Training, Agri-Entreprenuership Clustering Approach, Formulation of Enterprise Operation Manual
at Product Development
para sa mga samahan ng
magsasakang parte na ng
cluster.
Sa pamamagitan
nito, natututo ang mga lider-magsasaka na bumuo
ng sariling plano para sa
pagsisimula ng mga posibleng bagong negosyo ng
may kaakibat na pinansiyal na pamamahala.
Ang negosyong kanilang
maaaring simulan ay base
na rin sa mga nagiging
ani o produkto ng kanya-kanyang clusters.
Aabot na 42 lider-magsasaka mula sa
iba’t-ibang panig ng rehiyon ang nakadalo na
sa mga naturang pagsasanay. PR
