
Okay din naman
maging mapagkawanggawa at mabait sa kapwa.
I-try nating lahat minsan.
Ito ang naging
magaang na tugon ni Senator Alan Peter Cayetano
sa mga netizen na ginamit
ang kanyang Facebook
post bilang pagkakataon
para makapagbiro tungkol
sa panukalang Sampung
Libong Pag-asa o 10K
Ayuda Bill niya.
Kantyaw ng
isang commenter, hindi pa raw nakakalimutan
ng mga tao ang pangako
umano ni Cayetano noong
Halalan 2022 na magpamigay ng P10,000 kada
pamilya. Naging laganap
kasi noong nakaraang
taon ang maling akala na
dole-out ang initiative na
ito ng senador
Bwelta ng
senador, maging siya ay
naghihintay din sa 10K
Ayuda dahil ito ay isang
legislative measure at
isang panawagan na naging popular noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.
“That’s why we’re
pushing it sa Senate! Government has already admitted that they have the
money but they don’t want
to distribute it like Bayanihan 1,” ani Cayetano, na
tinutukoy ang unang pandemic aid bill ng Duterte
administration na ipinasa
noong panahon niya bilang House Speaker.
Dagdag pa niya,
habang hindi pa natatal
akay ng Senado ang Sampung Libong Pag-asa bill
ay ginagawa na niya ang
kanyang makakaya upang tumulong sa mga nais
magtayo o magpalago ng
maliit na negosyo sa pamamagitan ng pagbibigay
ng P10,000 pangpuhunan
sa mga beneficiary ng
kanyang Sampung Libong
Pag-asa program.
Hinikayat din ni
Cayetano ang naturang
commenter na mag-ambag na lang at tumulong sa kapwa sa abot
ng kanyang makakaya,
katulad ng paulit-ulit na
apela ng senador sa mga
manonood ng kanyang
Sampung Libong Pag-asa
program sa Facebook.
“If may extra ka,
try it, donate ka din sa mga
nangangailangan,” wika
ng senador
Nag-post ng
selfie si Cayetano noong
March 24 sa kanyang
Facebook page kung saan
kasama niya si GMA Sparkle actress Shuvee Etrata.
Sa kanyang photo caption, pinuri ng senador ang
mga kabataan na “humble, hardworking, kind,
respectful, mindful and
eager to learn.”
“Maraming comments and criticism about
young people, about the
next generation. Then you
meet great examples of
their generation,” aniya.
“Let’s learn from
them. Huwag kaya tayo
nega? Smile lang,” dagdag ng senador. PR