Bahagyang tumaas ang presyo ng
mga pangunahing bilihin sa Calabarzon,
batay sa pinakahuling ulat ng Philippine
Statistics Authority (PSA). Sa kanilang
September 2023 Inflation Report, nakapagtala ang rehiyon ng pangkabuuang inflation
rate na 6 porsyento mula sa 5.5 porsyento
noong Agosto. Tumaas rin ang inflation
rate sa mga lalawigan ng Cavite, Batangas,
Rizal, at Quezon maging sa Lucena City,
habang bumaba naman ang presyo ng mga
bilihin sa lalawigan ng Laguna.
Dagdag pa ng PSA, kabilang sa
mga panguhaning kontributor ng inflation
sa rehiyon ang
pagtaas ng presyo
ng mga pangunahing bilihin tulad ng
pagkain at non-alcoholic beverages,
utilities tulad ng
housing, tubig,
kuryente, gas at iba
pang produktong
petrolyo, at restaurant maging ang iba
pang accommodation services.
