
Tampok ang labing-limang (15) bago at
natatanging barayti ng
palay ang sinimulan nang
palawigin ng Department
of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) sa
unang pagsasagawa ng
Preferential Analysis para
sa panahon ng tagtuyot
sa Santa Maria, Laguna
noong ika-18 ng Abril.
Ang mga barayting ito ay itinuturing na “irrigated inbred” at “special
purpose” na matibay laban
sa masamang panahon,
partikular para sa lalawigan ng Laguna. Kinabibilangan ito ng mga Irrigated
Inbred NSIC Rc: 580, 622,
624, 626, 632, 634, 216,
222, Mestiso 73, Mestiso
99 — at Special Purpose
NSIC Rc: 218, 342, 344,
128, at 216.
Kaugnay nito,
higit sa 40 magsasaka ang
lumahok sa pagkakaroon
ng pisikal na obserbasyon
sa mga nabanggit na
barayti ng palay gaya ng
pagtingin sa haba ng uhay
ng mga ito, laki ng butil,
dami ng supling, at iba pa.
Ang aktibidad ay
bahagi ng isang pag-aaral
na isinasagawa ng DA-4A
Lipa Agricultural Research
and Experiment Station
(LARES) sa ilalim ng pagpopondo ng DA-Bureau
of Agricultural Research
(DA-BAR) katuwang ang
International Rice Re
search Institute (IRRI),
Philippine Rice Research
Institute (PhilRice), University of the Philippines
Los Baños (UPLB), at mga
lokal na pamahalaan.
Ito ay ang “NextGen PLUS: Market-driven Varietal Testing and
Validation for Effective
Positioning of Varieties in
Target Rice Ecosystem
and Seed Chains in CALABARZON” na naglalayong masusing matukoy
ang mga barayti ng palay
na aangkop sa panahon
sa iba’t ibang panig ng rehiyon ng CALABARZON.
Ayon kay Juan
Reyes, isang Farmer Cooperator sa Laguna, malaking inspirasyon at motibasyon ang naibibigay
sa kanilang mga magpapalay na maging parte ng
pagkilatis sa mga barayti
ng palay na makakapagpataas ng ani. Lubos ang
kanyang pasasalamat sa
aktibong pakikipag-ugnayan at patuloy na paggabay sa kanila ng mga
mananaliksik at kawani ng
pamahalaan.
Samantala, inaasahan na karagdagang labing-pito (17) pang barayti
ang ipapakilala sa mga
magsasaka at isasagawa
rin ang kaparehong aktibidad sa walo pang site sa
ibang karatig lalawigan ng
rehiyon para sa panahon
ng tagtuyot. PR