
Anim na Young Farmers Challenge (YFC) awardee sa rehiyon ng CALABARZON noong taong 2021 at 2022
ang muling nagprisinta ng kanilang business plan sa isinagawang YFC Upscale:
Enterprise Scaling Up ng Department of
Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A)
Agribusiness and Marketing Assistance
Division (AMAD) noong ika-5
hanggang ika-6 ng Oktubre.
Ang YFC Upscale ay ang patuloy na pagbibigay suporta sa mga
nanalong YFC awardee na sumailalim sa
ebalwasyon ng Program Management
Team (PMT) sa nasyonal at rehiyon.
Layunin nitong muling magbigay ng kapital sa mga kabataang pumasok sa sektor
ng agrikultura upang mas mapaunlad pa
ang kanilang negosyo.
Ang mga kalahok sa kompetisyon ay ang Siyudad Agrikultura nina
Gabriel Paul Serrano at Quisandra Jean
Nera, What the Farm ni John Jhophet Diola, Rancho Velasco Agri-Farm nina Lawrence Joseph Velasco at Elysah Velasco,
Valentin Integrated Farm ni Roanne Joy
Valentin, Mushrylicious Haus of Production and Processing ni Gezhiel
Ann de Guzman, at Geni Poultry Farm ni
Genevie Marqueses.
Nakatakdang mag-uwi ang tatlong negosyong mapipili ng tig-P300,000 at ang
tatanghaling kampeon ang magsisilbing
kinatawan ng rehiyon sa 2023 YFC Upscale sa nasyonal. Inaasahan na ilalabas
ang resulta nito sa buwan ng Nobyembre.
Ayon kay Lawrence Joseph Velasco, dahil sa kanilang passion sa pag-aalaga ng pabo at siglang manghikayat sa
iba pang kabataan na pumasok sa industriya ay malaki ang paniniwala nila sa potensyal na manalo ng kanilang negosyo.
Buo rin ang kanilang pasasalamat sa
muling pagk