
Patuloy na isinasagawa ng Department
of Agriculture – Philippine
Rural Development Project (DA-PRDP) Regional
Project Coordination Office (RPCO) CALABARZON ang pag-aaral nito sa
mga daloy ng produktong
agrikultural o Value Chain
Analysis (VCA). Ito ay
upang patuloy na magabayan ang mga lokal na
pamahalaan, publiko at
pribadong sektor, at mga
magsasaka sa pagbuo ng
mga proyekto, o programa
patungkol sa agrikultura.
Ang VCA ay
isang masusing pag-aaral
na nagpapakita ng mga
pinagdaraanang proseso
ng isang produktong agrikultural mula sa pagkuha
ng inputs hanggang sa
marketing, ugnayan ng
mga prodyuser, trader,
processor, etc., mga problemang nararanasan sa
industriya, at mga oportunidad tungo sa pag-unlad. Katuwang ng DAPRDP ang DA Regional
Field Office IV-A, mga
lokal na pamahalaan, at
iba pang ahensya sa pagbuo o pag-update ng mga
VCAs.
Nakapagsagawa
na ang DA-PRDP RPCO
ng 15 VCAs sa mga sumusunod na produkto:
dairy cattle, coffee, virgin coconut oil, banana,
mangga, seaweeds, pineapple, cacao, chicken egg,
broiler chicken, lowland
vegetables, beef cattle,
abaca, goat, at coconut
oil. Dito lahat naka-angkla ang mga proyektong
pinopondohan at ipinapatupad ng DA-PRDP.
Nakabatay rin sa mga ito
ang Provincial Commodity
Investment Plans o PCIPs
na naglalaman ng mga
interbensyon, proyekto, o
programa para sa pagpapaunlad ng sektor ng agrikultura sa kanilang mga
lokalidad.
Ngayong taon,
ina-update ng RPCO CALABARZON ang VCAs nito
tungkol sa chicken egg at
cacao base sa mga naging pagbabago sa industriya. Inaasahang matatapos
ito sa katapusan ng taon.
PR