
Pormal nang naisalin ng Philippine Statistics Region IV-A sa lokal
na pamahalaan ng Magallanes ang mga resulta ng 2022 Community-Based Monitoring System (CBMS) noong Disyembre 27,
- Sa pangunguna nina Chief Statistical Specialist Benigno
Perido at Magallanes Municipal Mayor Jasmin Maligaya-Bautista,
sinaksihan ng mga kawani ng lokal na pamahalaan at mga bumubuo ng PSA IV-A ang pagsasalin ng CBMS System Data sa lokal
na pamahalaan. Ang Community-Based Management System ay
isang technology-based data collection, processing, and validating
system na kumakalap ng ibaโt ibang datos mula sa mga komunidad. Ang mga ito gagamitin para sa pagpa-plano, pagpapatupad,
at pag-monitor ng mga mga economic programs ng pamahalaan. |
via Philippine Statistics Authority โ Calabarzon