
Sa ikalawang araw ng 2023 National Cluster Summit ng Department of Agriculture Farm
and Fisheries Clustering and Consolidation (F2C2) Program noong ika-13 ng Disyembre,
apat na huwarang cluster sa bansa ang nagbahagi ng kanilang kwento at kasanayan.
Sila ay ang Tabon San Jose Farmers Association, Sultan Kudarat Coffee Council, Lamac
Multi-Purpose Cooperative, at Sorosoro Ibaba Development Cooperative. Direkta ring
nakapagtalakay sa aktibidad ang mga institusyon gaya ng Land Bank of the Philippines at
CARD-Mutually Reinforcing Institutions (CARD-MRI) para sa pinansyal na aspeto, WalterMart Supermarket para sa koneksyon sa merkado, at Peace and Equity Foundation para
sa pribadong sektor, upang maiugnay sila sa mga cluster. Sinanay pa sa pagpapaunlad ng
kooperatiba ang mga Farmers Cooperatives and Associations (FCAs) sa tulong ng Cooperative Development Authority (CDA) at University of the Philippines – Los Baños (UPLB)
Department of Agribusiness Management and Entrepreneurship Facilitators.