
CALAMBA CITY,
Laguna (PIA) — Patuloy
ang Department of Health
Center for Health Development Calabarzon (DOH
4-A) sa pagbibigay ng
paalala sa publiko laban
sa sakit na dengue ngayong panahon ng tag-ulan.
“During this season, heavy rainfall causes
hot and wet environment
and creates stagnant water – an ideal mosquito
breeding condition. Kaya
mahalaga na mapanatili natin ang kalinisan,
sa loob at labas ng ating
bahay. Tandaan po natin
wala pong pinipiling oras
ang mga ito upang mangagat at makapagdulot ng
sakit na dengue,” pahayag
ni DOH 4-A Assistant Regional Director Leda M.
Hernandez
Ayon kay Hernandez, bagaman bumaba ang kaso ng dengue
sa Calabarzon ay hindi
dapat maging kampante
ang publiko dahil ang mga
bagyo at pag-ulan ay inaasahang mararanasan pa
hanggang Oktubre.
Batay sa datos
ng DOH 4-A, bumaba sa
10,178 kaso ng dengue
ang naitala sa rehiyon
mula Enero 1 hanggang
Hulyo 29, 2023. Higit na
mas mababa ito ng 10%
mula sa 11,284 kaso ng
sakit na naitala sa kaparehas na mga buwan noong
nakaraang taon.
Nakapagtala ng
pinakamataas na bilang
ng sakit sa probinsiya ng
Rizal na aabot sa 3,654
kaso; Cavite na mayroong
2,033 kaso; at, Laguna na
mayroong 1,485 kaso ng
dengue.
Sa kanyang paalala, binigyang diin rin ni
Hernandez ang pag-iingat
sa mga bata na may edad
dalawa hanggang 10 taong gulang, dahil mas madali aniya silang kapitan
ng kagat ng lamok.
“The kids are
prone to mosquito bites,
gumamit tayo ng insect
repellent, magsuot ng
mga bright colored longsleeved shirts, at pantalon
para walang expose na
balat,” ani Hernandez.
Babala ng DOH
4-A, mas mainam na
sumunod sa 5S streategy ang publiko bilang
pinakamabisang paraan
upang makaiwas sa sakit
na dengue.
Kabilang dito
ang “search and desto pagpuksa sa mga
pinamumugaran ng
lamok; “safety precaution measures” gaya
ng paggamit ng mosquito repellant; “seek
early consultation” kung
may nararamdamang
sintomas ng dengue;
“support fogging/spraying” sa mga lugar na
pinamumugaran ng
lamok; at “sustain hydration” upang maiwasan ang iba pang
banta ng sakit