
Labing tatlong
cluster mula sa rehiyon
ng CALABARZON ang
nakadalo sa pinakaunang
National Cluster Summit
ng Department of Agriculture (DA) Farm and Fisheries Clustering and Consolidation (F2C2) Program
na may temang “Pagkaing
Sapat Ahon Lahat!” sa
Tagaytay City, Cavite sa
tulong ng DA IV-CALABARZON (DA-4A) noong
ika-11 hanggang ika-15 ng
Disyembre, 2023.
Ang F2C2 ay naitatag sa ilalim ng DA Administrative Order no. 27
series of 2020 na may layong isulong ang pagtipon
sa maliliit na mga magsasaka at mangingisda upang makamit ang economies of scale at mapataas
ang ani at kita ng mga napagbuklod na magsasaka.
Mula sa napag
buklod ng DA-4A F2C2
Program simula taong
2021 hanggang kasalukuyan, kabilang sa mga
naging partisipante sa
nasabing summit ay ang
mga kinatawan ng cluster
ng Masaganang Magsasaka ng TALAHIBAN Uno
at Dos, Rosario Farmers
Association, Asosasyon
ng Magsasaka ng Gatid,
General Trias Dairy Raisers Multi-Purpose Cooperative, Batangas City
Corn Growers Association, MAGSAMAKAME
Agriculture Cooperative,
Magallanes Corn Growers
Association, Llano Farmers Multi-Purpose Cooperative, Sariaya Corn Farmers Association, Luntian
Multi-Purpose Cooperative, Batangas City Mango Growers Association,
Silang Cacao Growers
Association, at Jala-jala
Multi-Purpose Cooperative.
Ayon kay Joel
Atendido na punong tagapamahala ng Llano
Farmers Multi-Purpose
Cooperative, isang malaking oportunidad ang naibigay sa kanila ng DA-4A
na makalahok sa summit
lalo na at isa sila sa mga
napiling magpresenta ng
kanilang Business Model
Canvas (BMC) kung saan
mas naipakilala nila ang
produktong gatas ng cluster at nakatanggap din ng
magagandang komento o
suhestiyon para sa pagpapaunlad.
Ang pagsasagawa ng
BMC na ito ay parte ng
pagsailalim sa pagsasanay ng mga cluster
ukol sa pamamahala at
pagpapalago ng kooperatiba sa tulong ng University of the Philippines
– Los Baños (UPLB)
Department of Agribusiness Management and
Entrepreneurship Facilitators. Bukod dito, naging
malaking bahagi rin ng
summit ang pagtalakay
sa serbisyo at potensyal
sa pakikipagtulungan ng
mga institusyong: Land
Bank of the Philippines at
CARD-Mutually Reinforcing Institutions (CARDMRI) para sa pinansyal na
aspeto, WalterMart Supermarket para sa koneksyon
sa merkado, at Peace and
Equity Foundation para sa
pribadong sektor— upang maiugnay sila sa mga
cluster.
Samantala, naisakatuparan ang aktibidad kaisa ang mga nanguna sa pagbubukas
nito na sina OIC-Office
of the Undersecretary for
Operations: Engr. Roger
Navarro bilang kinatawan
ni Pangulong Ferdinand
“Bongbong” Marcos, Jr.,
Undersecretary for Policy, Planning, and Regulations: Mercedita Sombilla, Assistant Secretary
for Operations: Arnel de
Mesa, F2C2 Program Director Shandy Hubilla, at
DA-4A Regional Executive
Director Milo delos Reyes.
Kasama rin dito sina Cooperative Development
Authority Assistant Secretary Virgilio Lazaga,
Tagaytay City Mayor Abraham Tolentino, at iba pang
mga pamunuan at kawani
ng pamahalaan sa bawat
rehiyon sa bansa. (Danica T. Daluz, DA-4A RAFIS)