Ipatutupad ng pamahalaang bayan ng Rosario, Cavite ang 4-day Compressed Work Week sa ilan nilang mga tanggapan simula ngayong lunes, May 13, 2024 dahil sa patuloy na pagtaas ng temperatura dulot ng El Niรฑo.
Batay sa inilabas na Executive No. 108, ang mga kawani ng ilang mga tanggapan sa pamahalaang bayan ay magkakaroon ng adjustment sa kanilang work schedule. Mula sa dating Lunes hanggang Biyernes, magiging Lunes hanggang Huwebes na lamang ito, mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-6:00 ng gabi, upang matugunan ang 40 hours requirement.
Layunin ng Compressed Work Week schedule na mabasawan ang konsumo ng kuryente at tubig sa pamahalaang bayan at masiguro ang kaligtasan ng kanilang mga kawani sa gitna ng tag-init.
Samantala, mananatili naman sa regular na work schedule ang mga pangunahing tanggapan gaya ng Municipal Health Services under Rosario Maternity and Medical Emergency Clinic ( RMMEC ), Municipal Disaster Risk Reduction Management Office, at ng Rosario Traffic Management Unit upang matiyak ang tuluy-tuloy na serbisyo ng pamahalaang bayan sa taumbayan.