Aabot sa apatnapuโt dalawang (42) lider
ng mga Farmers Cooperatives and Associations
(FCAs) sa CALABARZON
ang lumahok sa pagsasanay na inihanda ng
Department of Agriculture
IV-CALABARZON (DA4A) Farm and Fisheries
Clustering and Consolidation (F2C2) Program ukol
sa pamumuno at angkop
na pamamahala sa organisasyon simula noong
ika-10 hanggang ika-12
ng Mayo sa Sta. Rosa, Laguna.
Ito ay upang ipaunawa sa kanila ang
kahalagahan ng pagbuo
ng cluster kalakip ang
sama-samang pagkilos
nang may tamang pamumuno at pamamahala.
Ilan sa mga tinalakay
sa pagsasanay ay ang
ibaโt ibang katangian ng
mahusay na lider, mga
pamamaraan sa epektibong komunikasyon, mga
kwalipikasyon sa pagiging
Civil Society Organization
(CSO), at pagsasaayos ng
mga alitan o problema.
Bahagi ito ng
layunin ng DA-4A F2C2
Program na palakasin
ang kapasidad ng mga
cluster sa pamamagitan
ng pagsasagawa ng mga
pagsasanay na nakatuon
sa pagkakaroon ng matibay na ugnayan sa loob
at labas ng kooperatiba o
asosasyon. Ito ay tungo sa
nagkakaisa, nagkakasundo, at mas produktibong
samahan sa pagpapataas
ng ani at kita.
Ang mga lider na
lumahok ay mula sa samahan ng Baras Integrated Diversified Organic FA,
San Juan United Vegetable FA, Sariaya Corn FA,
San Francisco Producers
Association, Butanguiad
Corn FA, Guinayangan
Corn Specialist, Masayahin Small Irrigators FA/
Samahan ng Magpapalay ng Ibabang Talim
(SAMIT), San Jose Farmers Federation, Tulo-Tulo
Hog Raisers Association,
Guinayangan Banana FA,
Maravilla-Alipit Malinao Irrigators Association, Inc.,
Asosasyon ng Magsasaka ng Gatid, Sta. Maria
Siniloan (SANTAMASI),
at Sto. Niรฑo Agri-Forestry
FA.
Ayon kay Mac
Gerrald Gonowon na
chairman ng Municipal
Agricultural and Fishery
Council (MAFC) ng Guinayangan, malaking pagkakataon sa kanya ang
mga bagong kaalamang
nakuha sa pag-oorganisa
ng isang samahan nang
sa gayon ay maibahagi
niya ito sa mga kapwa niya
rin magsasakang pinamamahalaan sa malawak na
bayan ng Guinayangan.
Samantala, ang
naturang aktibidad ay parte ng isang serye ng pagsasanay na magpapatuloy
sa katapusan ng Mayo
kung saan ang tatalakayin naman ay ang mga
angkop na pamamahala
at pagtutuos sa pinansyal
na sektor ng mga cluster.
(Danica T. Daluz, DA-4A
RAFIS) PR
