
Isang concert na Alay sa mga Nanay sa pagdiriwang ng Monther’s Day sa
darating na Linggo, Mayo 7, 2023 ang isasagawa sa Enchanted Kingdom (EK) sa
Enchanting Events Place, Sta. Rosa, Laguna.
Sa isinagawang press conference noong nakaraang Mayo 2, 2023, nagpasalamat sina Marco Sison, Haji Alejandro at Pops na magiging bahagi sila ng Enchanted Kingdom’s Four Kings and a Queen Concert sa darating na Linggo, Mayo 7, 2023. Bagamat hindi nakarating sina Rey Valera at Nonoy Zuniga sa
isinagawang prescon ay
tiniyak nilang magbibigay
sila ng kasiyahan sa mga
manonood sa kanilang
concert.
Kasabay nito,
nagpasalamat naman
si Pops Fernandez na
makakasama niya ang tinaguriang Four Kings o
hitmakers ng golden era
ng Original Pilipino Music
(OPM).
Sa pagtatanong
ng SAKSINGAYON kay
Pops Fernandez, bilang
alay sa mga nanay ang
isasagawang concert nila
kung may kakantahin siyang kanta para sa mga
ina, ay tiniyak niya na bilang ina isa rin na karamihan ng kanyang kakantahin ay para sa Monther’s
Day sa pagdiriwang sa
Linggo.
Inaasahan na
maririnig sa concert ang
mga kanta nina Nonoy
Zuniga na “Kamusta Ka”;
Haji Alejandro, “Nakapagtataka”; Rey Valera,
“Maging Sino Ka Man”;
Marco Sison, “Si Aida, Si
Lorna, o Si Fe” at ni Pops
Fernandez na “Don’t Say Goodbye”.
Tiniyak ni Haji
Alejandro na mas bibigyan
nila ng prayoridad na kantahin ang kani-kanilang
mga pinasikat na kanta
nung kapanahunan nila.
Sinang-ayunan
naman nila Pops Fernandez at Marco Sison, anila
sa kanilang karanasan
sa mga concert mas inaabangan ng manonood
ang kanilang mga kanta
na kung saan sila nakilala.
Anila, kaya
naman nila kumanta ng
mga kantang pinasikat ng
mga bagong singer ngayon kaya lang mas hinahanap sa kanila ay ang
kanilang mga inawit na
kung saan sila nakilala.
Nagpasalamat
naman ang mag-asawang
may-ari ng EK na sina Mr.
Mario Mamon, chairman
and president ng Enchanted Kingdom at Dra. Cynthia R. Mamon, chief operating officer ng EK sa Four
Kings (Haji Alejandro,
Marco Sison, Rey Valera
at Nonoy Zuniga) at isang
Concert Queen (Pops
Fernandez) at media na
dumalo sa prescon na magiging bahagi ng kanilang
promotional campaign.
Sinabi pa ni Misis Mamon ang tinaguriang Four Kings at concert
Queen ay minsan nagpakilig ang mga kanta nito
sa kanilang kabataang
mag-asawa.
Para sa karagdagang impormasyon at
kung paano makabibili ng
tickets sa EK Online, Enchanted Kingdom’s Makati Sales Office and Front
Gate ticket booths.
Ang ticket prices
para sa VVIP ay P5,000;
VIP P3,750; at General
Adminission na P2,000.
At para naman
dun sa gustong mag-enjoy
sa concert at admission sa
park ang ticket prices ay
VVIP P5,700; VIP 4,450;
at General Admisssion na
P2,700.
Maaari rin bisitahin ang http://www.
enchantedkingdom.
ph or contact Enchanted Kingdom’s Magical
Guest Relations Office sa 09088861276,
(+632) 858433535, or
(+85844326 to 29 or send
an email to mgrd@enchantedkingdom.ph. Stay
tuned sa enchantedkingdom.ph at Facebook:enchantedkingdom.ph para
sa karagdagang updates
at details sa The Four
Kings and a Queen.PR