Bilang pagtupad
niya sa paninindigang
hindi dapat kinakalimutan
ang mga nasalanta ng
mga nakaraang sakuna,
nagpaabot ng tulong si
Senador Alan Peter Cayetano nitong Huwebes sa
daan-daang biktima ng
baha sa Noveleta, Cavite.
Ang 248 na residente na nabiktima ng
severe tropical storm
Paeng na tumama sa
rehiyon noong Oktubre
2022 ay nakatanggap ng
tig-P3,000 na cash assistance sa ilalim ng programang Emergency Response Department (ERD)
ni Cayetano.
Nagkaroon din
ng help desk kung saan
naidulog ng mga residente
ang kanilang mga gastusing medikal, kabilang na
ang mga bayarin sa ospital, bayad sa pagpapa-laboratoryo, mga medical
procedure, at mga gamot
Ang ERD at ang
medical help desk ay bahagi ng magkatuwang na
inisyatibo nina Senador
Alan at Pia Cayetano na
‘Bayanihan Caravan,’ na
bumibisita sa iba’t ibang
bahagi ng bansa para
magbigay ng iba’t ibang
tulong sa mga pamilyang
Pilipino na nangangailanga
Si Roslyn Caranto, isa sa mga nakatanggap, ay nagpasalamat sa
magkapatid na Cayetano
sa “malaking tulong.”
“ M a r a m i n g
salamat po dahil makakatulong po ito sa akin sa
pagkain at pang-gastos
araw-araw,” ani Caranto.
Ang ibang mga
nakatanggap ay nagsa
bing gagamitin din ang
nakuhang tulong sa mga
pangunahing pangangailangan ng pamilya at sa
eskwela ng kanilang mga
anak.
In-organisa ang
caravan sa tulong nina
Noveleta Vice Mayor
Arlynn Torres, Councilor Dave Manalo, at Rev.
Emer Jason Grepo. PR