
Patuloy ang paghihikayat ng Department of Agriculture Region IV-CALABARZON (DA-4A) sa mga magsasaka at mga lokal na pamahalaan sa rehiyon na mas palawakin ang organikong pagsasaka sa isinagawang serye ng infocaravan on organic
agriculture mula May 2-26, 2023.
Tinalakay dito ang National Organic Agriculture Program (NOAP) ng Kagawaran partikular ang tungkol sa pagpapalawak ng mga sertipikadong organikong
sakahan para sa mas marami at malakas na produksyon ng mga organikong produkto.
Ang naturang programa ay isinasagawa sa pamamagitan ng patuloy na pagsusuplay ng sertipikadong organikong kasangkapan; pagpapaunlad sa mga dati nan nagsasakang organiko; pagpapatayo ng mga pasilidad; pagkakaroon ng mga nararapat na pagsasanay; pagpapaunlad ng istilo at teknolohiya sa organikong pagsasaka sa pamamagitan ng
mga pananaliksik; at patuloy na pagpapataas ng
bilang ng mga interesado
sa organikong pagsasaka.
Naisagawa na
sa Gen. Emilio Aguinaldo,
Cavite, Lucban, Quezon at
Baras, Rizal ang naturang
infocaravan sa pangunguna ng DA-4A Organic Agriculture Program (OAP).
Ayon kay Regional Technical Director for Research, Regulations
and Integrated Laboratory at Regional OAP Focal
Person Eda Dimapilis, inaasahan na may marami
pang mga magsasaka at
lokal na pamahalaan ang
magkakaroon ng interes
upang paunlarin pa ang
organikong pagsasaka sa
kanilang lugar sa pamamagitan ng infocaravan.(Bryan Katigbak,DA-4A RAFIS) PR