Bilang pagsuporta sa pagsusulong ng
pagkakapantay-pantay ng
kasarian o tinatawag na
gender sensitivity at equality sa rehiyong CALABARZON, nakiisa ang Department of Science and
Technology (DOST)-CALABARZON sa ginanap na
Regional Womenโs Month
Celebration sa Kapitolyo
ng Pamahalaang Panlalawigan ng Laguna sa
bayan ng Sta.Cruz noong
Biyernes, Marso 31, 2023.
Ayon kay
DOST-CALABARZON Assistant Regional Director
(ARD) for Finance and Administrative Services Lyn
Fernandez na nagsilbing
tagapagsalita sa naturang
aktibidad, ang sektor ng
siyensiya ay isang magandang halimbawa kung
saan hindi batayan ang
kasarian sa trabaho sa
kasalukuyan.
Sinabi pa ni ARD
Fernandez na ang husay
at kaalaman ang pamantayan at binibigy
halaga sa larangan ng siyensiya. Aniya mapalad
siyang hindi nakaranas ng
pangkalusugan, at mahigpit na implementasyon
ng mga batas na nagbibigay-proteksiyon sa
mga kababaihan.
Sa parehong
programa, nagbahagi ng
kani-kanilang karanasan
sina Laguna District 2
Representative Ruth Mariano-Hernandez, Dr. Patricia Sanchez ng UP Los
Banos, Ms. Leonie Reyes
ng Natures Dew Enterprise, at Dr. Eden C. Callo
ng Laguna State Polytechnic University (LSPU)
sa pagkamit ng pagkakapantay ng kasarian at
inklusibong komunidad sa
larangan ng pamumuno,
akademya, at pagnenegosyo.
B i n g a n g g i t
naman ni Regional Gender
and Development Council
(RGADC) Co-Chairperson
Josephine Parilla mula sa
Pambansang Tagapag-ugnay ng mga Manggagawa
sa Bahay-Workers in the
Informal Sector Enterprise (PATAMABA-WISE)
na ang RDC at lahat ng
kasapi nito ay patuloy
na magsisilbing ilaw, boses, at tagapagsulong ng
proteksiyon para sa mga
kababaihan.
Aniya, bagaman
hindi umaayon ang mundo sa adbokasiyang ito sa
lahat nang pagkakataon
ay hindi ito hadlang sa patuloy na paglaban nila sa
anumang diskriminasyon
at di pagkakapantay-pantay.
Nagkakaisa ang
D O S T- C A L A B A R Z O N
at lahat ng miyembro ng
RDC CALABARZON sa
pagpapakilala at pagsusulong sa kagalingang
pangkababaihan o women empowerment, maging
sa kanilang kontribusyon
sa lahat ng sektor sa rehiyon at buong bansa.
(Impormasyon mula sa:
https://region4a.dost.gov.
ph/news/1533-dost-calabarzon-unites-with-regional-agencies-to-further-support-gender-equali –
ty-in-calabarzon)
Note to editors:
DOST-CALABARZON is
one of the regional offices
of the Departme
anumang diskriminasyon
o kaya naman ay pagsubok batay sa kasarian o pagiging babae niya sa ilang
taon niyang paglilingkod
sa DOST. Ganunpaman,
binigyang-diin niyang ang
buong DOST ay kaisa sa
pagsusulong ng Gender
and Development o GAD
na kinikilala ang mga kontribusyon at karapatan ng
mga kababaihan mula
noon hanggang ngayon.
I p i n a h a y a g
naman ni NEDA Region
IV-A Asst. Dir. Carmel P.
Mataban na patuloy ang
Regional Development
Council o RDC sa paglaban para sa karapatan ng
mga Kababaihan.
Ipinaliwanag niya
na ang RDC, kung saan
kasapi rin ang DOST-CALABARZON, ay nakatukoy
ng ilang isyung pangkababaihan, kabilang na ang
tumataas na bilang ng mga
bagong kaso ng HIV kung
saan ang CALABARZON
ay ikalawa sa buong bansa, kasunod ng National
Capital Region (NCR);
pagtaas ng bilang ng mga
nabubuntis sa edad na
10 hanggang 19 na taong gulang; dumaraming
kaso ng karahasan laban
sa mga kababaihan at kabataan kabilang na ang
mga kababaihang kasama
sa mga distressed overseas worker; maging ang
patuloy na kahirapan โdi
lamang sa rehiyon kundi
sa buong bansa.
Nabanggit rin niyang inaprubahan na kamakailan ng konseho ang
Regional Development
Plan na tumukoy naman
ng mga estratehiya kung
paano matutugunan ang
mga nasabing isyu. Kabilang dito ang research and
development, edukasyon
partikular para sa mga
kababaihan, literasiyang