Isang market matching activity ang isinagawa ng Department of Agriculture IV- CALABARZON (DA-4A) Agribusiness and Marketing Assistance Division (AMAD) upang maiugnay ang tatlong Farmers Cooperative and Associations (FCAs) ng rehiyon sa potensyal na merkado sa bayan ng Rosario, Cavite noong ika-21 ng Nobyembre 2023.
Naging daan ang aktibidad upang maipresenta ng mga FCAs ang kanilang produkto at kalidad na ani at
maiugnay sa mga mamimili at malaman ang kanilang mga pangangailangang produkto.
Nagbigay rin ng gabay ang naganap na pag- uusap para sa negosasyon sa pagitan ng mga FCAs at sa
naimbitahang siyam na institutional buyers sa probinsya. Layon rin nitong makapagtatag ng pangmatagalang relasyon at ugnayan sa mga dumalo bilang suporta rin sa mga magsasaka.
Nagkaroon ng pagkakataon ang Magallanes- Samahan ng Magsasaka ng Kay- Apas at Medina
(MagSaMaKAMe) Agriculture Cooperative, Pacheco Agrarian Reform Cooperative, at Sorosoro Ibaba Development Cooperative na maipaliwanag ang mga datos ng
kanilang mga produktong bigas, itlog at gulay na maaari
nilang mai-suplay.
Ayon kay AMAD chief, Editha Salvosa, mahalagang hakbang ang dayalogo upang magkakilala at
magkaroon ng koneksyon ang mga suppliers at buyers
at makabuo ng magandang ugnayan.
Dumalo ang representante ng mga institutional
buyers na Hayakawa Electronics, Santechnologies Inc.,
Semitec Electronics, Glory Philippines Inc., Sejin Nawoo
Inc., HRD Singapore PTE, Leader Electronics Inc., Phil
Bobbin Corp., at MEC Electronics.
Pagbabahagi naman ni Bernadette Carandang
ng MagSaMaKAMe, malaki ang impact sa kanila ng
ganitong aktibidad dahil nahahasa din ang kanilang pagiging agri-preneur.
Ang aktibidad ay naging posible sa pakikipagtulungan ng Cavite Economic Zone sa pamamagitan
ni Zone Administrator Atty. Norma Taรฑag na inirepresenta ng Supervising Officer nito na si G. Lyndone Dela Cruz. PR
