
Naghatid ng iba’t
ibang libreng serbisyong
medikal tulad ng konsultasyon at mge medisina ang
General Trias City Health
Office (CHO) bilang bahagi ng ‘Kilatis Kutis’ campaign noong World Leprosy Day, Enero 30, 2024.
Sa pangunguna
nina City Health Officer,
Dr. Jonathan Porto Luseco Leprosy Program Coordinator Nurse III Mary Ann
Bartolome, umabot sa 229
Gentriseño ang nabigyan
ng libreng konsultasyon
at mga gamot ng pamahalaang lungsod.
Dagdag kaalaman naman ang hatid ni
Cavite HIV and Leprosy Program Coordinator
Nurse Haydelisa Maderazo.
Ayon sa General
Trias CHO, naging mahagalaga rin ang gampanin
ng mga Barangay Health
Worker, Barangay Nutrition Scholar at BPO sa
tagumpay ng Kilatis Kutis
na mula sa libreng konsultasyon hanggang sa libreng mga gamot ay naging kaagapay nila.
Sa isang Facebook post naman ipinahatid ng tanggapan ang
kanilang pasasalamat sa
pamunuan ng Brgy.Buenavista II sa pangunguna
ni Kapitan Rodel Juliano,
mga kagawad at ang mga
barangay staff na siyang
nagsilbing host barangay
para sa programa na ito.
Siniguro naman
ng pamahalaang lungsod
ang buong suporta nito sa
mga programang pangkalusugan para sa kanilang mga kababayan. | via
City Health Office – General Trias, Cavi