
Higit isandaang
Caviteño ang nakatanggap ng medical assistance
mula sa opisina ni Senator
Alan Peter Cayetano sa
Southern Tagalog Regional Hospital noong April
28, 2023, sa pakikipagtulungan sa Department of
Health-Medical Assistance
to Indigents Patients Program (DOH-MAIPP).
Inilagay ang
medical desk sa ospital
upang tulungan ang mga
pasyenteng may diabetes,
pulmonya, sakit sa kanilang auto immune system,
at iba pa.
N a k a t a n g g a p
ang mga pasyente ng
tulong para sa kanilang
hospital bills, gamot, laboratoryo, at ibang medical
procedure. Karamihan sa
mga natulungan na pasyente ay nagmula sa iba’t
ibang bahagi ng Cavite tulad ng Bacoor, Cavite City,
Naic, Imus, Tanza, at Noveleta.
Isa si Arlene
Arevalo sa nagpasalamat
sa senador dahil sa malaking tulong na ibinigay
para sa pagbabayad ng
tumataas na hospital bill
ng kanyang dalawang
anak na kasalukuyang naka-admit sa ospital.
“Humingi po ako
ng medical assistance
dahil ang aking dalawang
anak ay na-confine po dito.
Unang anak ko po ay naoperahan sa luslos noong
April 25. Kaya po naging
dalawa sila dahil ‘yung
anak ko na nagbabantay
ay na-expose naman sa
may COVID-19 na pasyente,” sabi ni Arevalo, na
tubong Bacoor, Cavite.
“Ngayon lang po
ako naka-experience na
sila po ang pumupunta sa
mga ospital para lapitan
[ang mga nangangailangan], at napakadali po ng
proseso nila. Handa silang
tumulong sa nangangailangan,” dagdag niya.
Mangiyak-ngiyak naman si Rebecca
Francisco nang ibahagi
niya ang kwento ng pagkaka-admit ng kanyang
anak dahil sa cardiac arrest habang sumasailalim
ito sa append tatlong buwan na ang nakalipas.
Aniya, nagdadasal siya
para sa pagpapagaling
ng kanyang anak at pambayad ng hospital bills.
“Salamat sa Diyos na may encounter po
kaming ganitong [medical
caravan] sa tagal namin
dito na tatlong buwan.
Salamat po at nagpunta
kayo dito para tulungan
kaming may pasyente
dito. Sana po marami pa
kayong matulungan tulad
namin,” wika ni Francisco,
na galing Tanza, Cavite.
Mula noong Oktubre 2022, nakapag-abot
na tanggapan ni Cayetano ng tulong medikal sa
libu-libong pasyente mula
sa buong bansa. Ayon sa
opisyal na Facebook Page
nito — Sen. Alan Peter
Cayetano Tulong-Medikal
— ang programa ay magpapatuloy sa pagtatayo
ng medical desks sa iba’t
ibang ospital sa buong
bansa upang matulungan
ang mas maraming Pilipinong nangangailangan ng
tulong medikal.
Bilang beteranong senador, matagal
nang nagtatag si Cayetano ng isang medical assistance program upang
tulungan ang mga mahihirap na Pilipino sa kanilang
pangangailangang medikal.
Sa kanyang pagbabalik sa Senado noong
nakaraang taon, inakda
ni Cayetano ang ilang panukalang batas na may
kinalaman sa kalusugan
tulad ng Barangay Health
Centers Act (Senate Bill
No. 303), Super Health
Centers in All Cities and
Municipalities (Senate Bill
No. 304), ang Health Passport System Act (Senate
Bill No. 60), ang Mahal ko,
Barangay Health Worker
Ko Law (Senate Bill No.
68), at ang Floating Hospitals Act (Senate
Bill No. 60)