
Kampo Heneral
Paciano Rizal โ Ngayong
araw ng Hunyo 30, 2023
sa ganap na 9:00 ng umaga ginanap ang TurnOver of Office Ceremony
para sa Provincial Director
ng Laguna PPO at ang
panauhing pang dangal
ay si PRO CALABARZON
Regional Director, PBGEN
CARLITO M GACES.
Nagpasalamat
ang outgoing Acting Provincial Director, PCOL
RANDY GLENN G SILVIO
sa pagsuporta sa kanya
ng personnel ng Laguna
PPO sa sampung buwan
niyang paglilingkod ay di
siya iniwan sa lahat ng
oras kaya siya ay lubos na
nagpapasalamat sa mga
kapulisan ng Laguna.
Sa mensaheng
ibinigay ng incoming Officer-In-Charge PCOL HAROLD P DEPOSITAR, sinabi nito na pag-iigihin niya
ang pamumuno sa Laguna PPO at hindi siya nangangako na hihigitan ang
nagawa ni PCOL SILVIO
subalit sisikapin niya na
pantayan ang mga nagawang accomplishment ng
naunang Provincial Director. Humihingi siya ng suporta sa buong kapulisan
upang ang kapayapaan at
kaayusan sa buong Laguna ay mapanitili.
Sa pangunguna ni PBGEN GACES ay
isinagawa ang pag turnover ng Office Symbol at
Property and Equipment
Book mula sa outgoing
Acting Provincial Director sa incoming Officer-In-Charge.
Sa mensaheng
binigay ni PBGEN GACES
ay kanyang binigyan diin
na kailangang suportahan
ang programa ni PGEN
BENJAMIN C ACORDA
JR, Chief PNP ang 5 point
agenda. Ang hangarin ng
kanyang pamunuan ay
tumulong sa pagbuo ng
dedikadong serbisyo sa
Police Regional Office
CALABARZON, at sa komunidad. Ang atin pagkakaisa at patutulungan sa
pagsisikap ay magiging
daan para sa mas ligtas
at maliwanag na kinabukasan para sa lahat, aniya
nito.
Kabilang din sa
mga dumalo sa naturang
aktibidad si Hon. Ramil
L. Hernandez, Governor
ng Laguna, na nagbigay
mensahe na ang kanyang
pamunuan ay handang suportahan ang Laguna PNP
sa anumang proyekto at
pangangailangan upang
maging mas maayos ang
pag lilingkod ng kapulisan
dito sa Laguna. Dumalo
rin ang ilan sa mga City/
Municipal Mayors at lahat
ng mga Chief of Police
ng City/Municipal Police
Station at mga pinuno ng
PNP National Support
Units.#gtgacana (KEVIN
PAMATMAT)