
Aabot sa P571,350 halaga ng interbensyon mula sa Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) ang pormal na iginawad ni Regional Director Milo delos Reyes
para sa mga magsasaka ng Lungsod ng Bacoor. Ang mga naturang interbensyon
ay binubuo ng fertilizers, assorted vegetable seeds, garden tools, hydroponics kit, at
iba pa. Ang mga ito ay suporta rin sa pagtataguyod ng urban agriculture sa nasabing
lungsod. Kaugnay nito, nagsagawa ang Agimat Party-List ng Agimat Hardin ng Bayan
Urban Gardening Competition na sinalihan ng mga barangay, eskwelahan, at home
owners associations sa Bacoor.Pinasalamatan ni Dir. delos Reyes si Agimat Party-List
Representative Cong. Bryan Revilla sa inisyatibo nito na palaganapin pa ang urban
agriculture at hiniling na mas marami pa ang makiisa at magsagawa nito. Nakiisa din
sa aktibidad sina Mayor Strike Revilla at Cong. Lani Mercado-Revilla.