
Itatayo na ngayong taon ang unang coffee processing facility sa
Santa Maria, Laguna. Ang
nasabing pasilidad ay bahagi ng proyektong Coffee
Processing and Marketing
in Santa Maria, Laguna
na pinondohan ng Department of Agriculture โ Philippine Rural Development
Project (DA-PRDP) at ng
Juan Santiago Agriculture
Cooperative (JSACOOP),
isang grupo ng mga magsasaka ng kape.
May lawak na 150
square meters ang pasilidad at nagkakahalaga ito
ng Php 5,596,973.33. Dito
iproproseso ng JSACOOP
ang kanilang mga nakalap
na bunga ng kape upang
gawing roasted at ground
coffee. Kasama ang mga
processing equipment na
mula din sa proyekto, inaasahang makakatulong ang
pasilidad sa JSACOOP sa
pataasin ang kanilang produksyon ng ground coffee
hanggang 8,523 kilos at
ng kanilang kita hanggang
Php 2,886,239.
โDahil magkakaroon na ng processing facility dito sa Santa Maria,
maaaring dito na lamang
ibenta ng mga lokal na
magtatanim ang kanilang
ani sa halip na ibenta ito
sa labas ng Santa Maria. Mas makakasigurado
na rin sila na may pagbebentahan na sila ng
kanilang produkto,โ ani
Manolo Diaz, pangulo ng
JSACOOP.
Itatayo ang nasabing pasilidad sa Brgy.
Juan Santiago, sa likod ng
tanggapan ng JSACOOP.
Patuloy namang nakikipag-ugnayan sa DAPRDP ang JSACOOP
upang masiguradong papasa ang konstruksyon ng
pasilidad sa mga pamantayan ng DA-PRDP.
Bukod sa pasilidad, nakipag-tulungan
din ang DA-PRDP sa lokal na pamahalaan ng
Santa Maria, Laguna sa
proyektong Kayhacat-Bubucal-Inayapan-Calangay-Coralan-Bagumbayan
farm-to-market road na
katatapos lamang noong
- Bukod sa mga
magsasaka at mamimili, makakatulong din ang
7.17 kilometrong kalsada
sa JSACOOP na mailabas
ang kanilang produktong
kape sa mas malawak na
merkado. PR