
Scientific name: Portulaca oleracea (Linn.)
Common name: Gulasiman, Ulasiman (Tagalog);
Common purslane, Little hogweed (Ingles)
Ang gulasiman ay isang karaniwang halaman
na tumutubo sa kahit na anong lugar sa bansa.
Itoโy itinuturing na damong ligaw. Ang halaman ay
maliit lamang at namumulaklak ng kulay dilaw. Sa
ibang lugar, ito ay ginagamit bilang pampalasa at
pansahog sa salad.
ANO ANG MGA SUSTANSYA AT KEMIKAL
NA MAAARING MAKUHA SA GULASIMAN?
Mayroong tannins, steroids, flavonoids,
saponins, at alkaloids ang halamang gulasiman.
May mataas din itong lebel ng l-norepinephrine.
May taglay iong sustansya gaya ng vitamins A,
B, B2, C, niacinamide, nicotinic acid, a-tocopherol,
at B-carotene. May mga mineral din ito gaya ng
calcium at iron. Mayroon pang fatty acids lalo na
ang omega-3. Bukod pa dito, makukuhanan pa ito
ng glutathione, glutamic acid, aspartic acid,
flavonoids, alkaloids, saponins at urea.
ANONG BAHAGI NG HALAMAN ANG
GINAGAMIT BILANG GAMOT, AT PAANO
GINAGAMIT ANG MGA ITO?
Ang buong halaman ng gulasiman
ay ginagamit na panggamot. Karaniwang
dinidikdik ito at ipinagtatapal sa apektadong
bahagi ng katawan.
Ang ugat ay maaaring patuyuin sa araw
at gamitin sa panggagamot.
Ang dahon ay karaniwang
dinidikdik at kinakatasan upang
maipampahid sa apektadong
bahagi ng katawan.
ANO ANG MGA SAKIT NA
MAAARING MAGAMOT NG
GULASIMAN?
- Pasa at pamamaga sa
balat. Mabisa bilang gamot ang
pagpapahid ng dinikdik na dahon
at sanga ng gulasiman. - Sakit sa balat. Ginagamit
sa ibaโt ibang sakit sa balat
ang pinaglagaan ng dahon ng
gulasiman. Ipinaghuhugas lamang - ito sa apektadong balat.
- Dysmenorrhea. Pinapainom
din ng katas ng halaman ang mga
taong dumadanas ng pananakit sa
puson o dysmerrhea, - Sugat. Ang pagsusugat sa
balat ay maaaring maibsan ng
pagtatapal ng dinikdik na dahon
ng gulasiman. - na gamot para sa mga hirap makaihi ang
- pag-inom sa katas ng gulasiman. Maaari
- ding gamitin ang pinaglagaan ng buto para
- sa kaparehong epekto.
- Kagat ng ahas. Ipinangtatapal sa sugat
na dulot ng kagat ng ahas ang dinikdik na
halaman ng gulasiman na hinaluan ng asin. - Eczema. Ang dinikdik na halaman ng
gulasiman ay mabisa para sa apektadong
balat. - Tuberculosis. Iniinom ang pinaglagaan
ng pinatuyong dahon ng gulasiman para
maibsan ang mga sintomas ng TB. - Bungang araw. Ipinangpapahid din
ang katas ng gulasiman sa balat na apektado
ng bungang araw - Pagtatae. Ang buto ay
ginagamit na panglunas sa
pagtatae, gayun din ang katas
mismo ng halaman. Maaari din
inumin ang pinaglagaan ng buong
halaman ng gulasiman. - Hirap sa pag-ihi. Mahusay