
Kung may may uric acid ka ito ay imposibleng gumaling kung hindi ka iiwas sa mga bawal sa may uric acid. Hindi ka rin gagaling hanggaโt hindi ka pa nalalapatan ng gamot na nakakapagpa-normal ng uric
acid. Isa na sa mga pinakamabisa ang halamang gamot sa uric acid.
Mahalagang alam mo kung ano ang normal o tipikal na dami ng uric acid sa iyong katawan at ito ay hindi dapat lumagpas sa 6 milligrams per deciliter. Ang totoo niyan, wala pang panlunas na nadidiskubre para sa sakit na uric acid. Hindi man ganap na nalulunasan ang nasabing karamdaman, ang pag-inom naman ng angkop na gamot ay nakatutulong na maging normal ang bilang ng uric acid.
Nakakatulong ito para makontrol ang paglala ng sakit. Ang pagpunta sa doktor ang pinakamabuting gawin para maagapan ang pagdami ng uric acid sa katawan. Bukod pa rito, ang mag-ehersisyo araw-araw bilang isa pang paraan para maiwasan ang pag-atake at pagsumpong ng sintomas ng gout o uric acid. Iwasan na rin ang mga pagkaing bawal sa may uric acid.