
Kung maghahanap ka ng mga babasahing nagsasabi ukol sa mga gamot sa uric acid, halos wala kang makikitang partikular na gamot lalo na ng halaman. Pero ang pinaka-ordinaryo at kalimitang lumilitaw sa mga search engines ay ang halamang pansit-pansitan.
Base sa mga pag-aaral, ito ang pinakamabuting halamang gamot sa uric acid. Ito rin ay mabisang gamot para sa sakit sa bato.Ito ay herbal na halamang kalimitang tumutubo sa mamasa-masa at malilim na paligid katulad ng gilid ng bahay, ilalim ng puno, kanal, dingding at paso ng halaman. Ang pansit-pansitan ay pakalat-kalat lamang na parang damong-ligaw kaya napakadali nitong hanapin.
Siguruhing tama ang mga pinipitas na halaman bilang gamot sa uric acid. Para malaman ang itsura, ang pansit-pansitan ay berdeng dahon na puso ang hugis. Ito ay may mga maliliit na buto na animoโy nakakapit sa sangang hugis pansit. Ang nasabing sanga ay matatagpuan sa tuktok ng halaman. Kahit na naturingang damong ligaw lamang, ang pansit-pansitan ay isa sa mga aprubado at rekomendadong halaman ng Department of Health (DOH). Ito rin ang madalas na ginagamit para sa gamot sa rayuma o arthritis.
Isa man ang halamang gamot sa uric acid pero ito tiyak namang pinakamabisa sa lahat. Madali rin itong matagpuan at hindi na kinakailangan pang gumastos at bilhin. Higit sa lahat, kumonsulta muna sa doktor para makasiguro sa kondisyon ng kalusugan.