ROSARIO, CAVITE: Nagsagawa kamakailan ng Flag Raising Ceremony ng Pamahalaang Bayan ng Rosario,Cavite sa pangunguna ni butihing Mayor Jose Voltaire Ricafrente, Vice Mayor Bamm Gonzales, at mga konsehales ng bayan. Sa kanyang mensahe para sa bayan, pinasalamatan ni Mayor Voltaire ang lahat ng mga konsehal ng bayan sa patuloy na pagsuporta sa mga adhikain nya para sa mas lalong ikauunlad ng bayan ng Rosario. Pinasalamatan din nya ang lahat ng mga kawani sa patuloy na pagbibigay serbisyo sa mga taga Rosario at nangako na ipagpapatuloy ang lahat ng sinimulan ni Mayor Nonong sa ating bayan. Ksabay din dito ang panunumpa ng bagong opisyales ng Senior Citizen ng Barangay Wawa I at dumalo din ang iba’t ibang opisina kasama ang Comelec, DILG, PNP, BFP, DepEd, at mga Punong Barangay.
Related Stories
January 6, 2025
July 14, 2024