Dalawang ektaryang sakahan na pagmamay-ari ng Provincial
Hybrid Rice Cluster sa
San Juan, Batangas ang
malawakang tinaniman
ng mga hybrid na binhi ng
palay sa pamamagitan ng
drone noong ika-1 ng Hunyo, 2023.
Mula ito sa inisyatibo ng Department of
Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) Rice Program katuwang ang New
Hope Corporation na nagprodyus ng drone sa layon
na mapabilis ang pagpapalaganap ng paggamit ng
hybrid na binhi ng palay sa
tulong ng makabagong teknolohiya.
Ang drone ay
isang unmanned aerial
vehicle (UAV) o panghimpapawid na sasakyang
ginagamit sa pagmomonitor ng lupang sakahan,
pagtatanim, pagdidilig, at
pag-spray ng pestisidyo.
Aabot sa anim na
minuto kada ektarya angnataniman ng hybrid na
binhi ng palay gamit ang
drone base sa isinagawang demonstrasyon sa
San Juan.
Bahagi rin ang
aktibidad ng pagsubaybay ng Kagawaran sa
sistema ng produksyon
ng Provincial Hybrid Rice
Cluster ng San Juan mula
sa pagbababad ng binhi
at pagdaan sa incubation
hanggang sa pagtatanim
ng mga hybrid na binhi.
Ayon kay
Melchor Namuco, ang tumatayong pangulo ng Masaganang Magsasaka ng
Barangay Talahiban Uno
at Dos, napakapalad ng
kanilang cluster na makasaksi ng makabagong
pamamaraan upang mas
mapadali ang kanilang
pagsasaka. Buhat dito ay
lalo silang nabigyan ng
dagdag inspirasyon na
manatiling aktibo bilang
samahan kasama ang
Kagawaran.
